PAO Chief Persida Acosta, aaraw-arawin na ang pagbibigay ng tulong legal!

SIMULAN NATIN SA blind item. Kilala n’yo ba kung sino itong kilalang male singer na nagso-show diyan sa isang bar lang sa may area ng Quezon City?

Nalolokah nga kasi ang lahat kapag nalalaman nilang ang nanonood lang ay hindi pa yata aabot sa sampung katao. Kalokah! Dahil nga masasabi naman siyang sikat at nakilala sa kanyang estilo ng pagkanta, pero mukhang hindi yata maganda ‘yung madalas na magkaroon siya ng gig ay sobrang flop.

Nakakaawa naman ang mga producer o may-ari ng bar kung madalas nga siyang mag-show, pero hindi naman kumikita. Lugi palagi ang kanyang show.

Naku, kapag hindi naayos ng singer ang kanyang mga show ay sigurado kaming hindi na magtatagal ang career at masasabing siya nga ay isang laos.

Sayang, mahusay pa naman siyang singer at talagang masasabing talented. Pero anong silbi ng mahusay ka ngang singer kung wala ka namang audience? Kalokah nga!

Gusto n’yo ba ng initial? Naku, kapag pinagsama ang initial ng name at surname niya ay magiging pangalan ng isang lalaki. ‘Yun na!

 

IBANG LEVEL NA nga ang napakabait na PAO Chief  Atty. Percida Rueda Acosta at host ng programang “Public Atorni”  dahil nga ang nakarating sa aming balita ay magiging araw-araw na ang kanyang said public service show sa TV5.

Kung hindi kami nagkakamali, sa December 5 na ang simula ng daily show.

Natutuwa naman siya dahil nga mas marami pa ang kanyang mabibigyan ng tulong legal at mababawasan ang mga kaso sa ating bansa.

Marami kasing nagre-request na mga Kapatid na gawin nang daily, kaya heto ngayon at natupad na rin sa wakas.

Kung sa bagay, top-rating naman ang kanyang show sa Kapatid Network, kaya hindi imposibleng mangyari ang inyong request na mas lumaki pa ang “Public Atorni”.

Isa pang ikinatutuwa ni Atty. Percida ay ang review sa kanyang show na kuha nito ang crowd na A to E. Mayaman, katamtaman o mahirap ka man ay pantay-pantay sa panonood ng kanyang show.

Kaya naman sa susunod na Linggo, gagawaran siya ng Gawad Amerika para sa parangal na “Best in Public Service”. Yes, lilipad nga sa Biyernes papuntang Tate ang ating PAO Chief.

Masaya siya dahil nga nominated din siya sa 25th Star Awards For TV, Golden Screen Awards For TV at sa Famas TV Awards sa kategoryang Best in Public Service.

Good luck po. Atty.!

 

GUSTO N’YO PA ng blind item? ‘Eto pa. Kilala n’yo ba itong isang young actor na nag-show sa isang probinsiya sa may bandang South at naghanap ng kanyang ite-take home sa kanyang hotel na tinutuluyan?

Yes! After ng event ay umuwi na nga ng hotel ang bida natin. Pero ang na-shock, ang kanyang road manager, nang makitang may dalawang girl na kasama ang young actor. Tipong mga beauty queen nga raw ang dalawang girls na kanyang partner.

Mahilig talaga ang ating bida at talagang mainit daw ito. Kaya lang, ayon sa tsika, nagpa-BJ lang nga raw ang hitad kaya hindi masasabing puwede siyang makabuo nang gabing ‘yon. Halinhinan daw ang dalawang girl sa magandang katawan ng bida natin.

O, knows n’yo na kung sino ang tinutukoy ko? At sabi pa nga, mabango nga raw ang “notes” ng young actor.

Ang tanong, alam kaya ng kanyang girlfriend na young actress na hanggang ngayon na hindi pa rin nila maamin in public ang kanilang relasyon.

Hindi siya maka-score sa kanyang GF kaya sa iba na lang niya ibinubuhos ang kanyang init. O, knows n’yo na?

Ang aktor na ito sa isang panahon ay muntik nang makadisgrasya sa akin. Hahahaha! ‘Yun na!

 

Ugaliin pong makinig sa aming radio show sa “Wow Ang showbiz” sa DWIZ 882 KHZ sa ganap na 11 am-12 nn.
Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

2 thoughts on “PAO Chief Persida Acosta, aaraw-arawin na ang pagbibigay ng tulong legal!

  1. No offense ho, parang Japanese Geisha yong make up ni Atty. Super white or baka sa lighting lang, Sana naman mas mabuting picture ang inilagay dito.

  2. Pingback: PAO Chief Persida Acosta, aaraw-arawin na ang pagbibigay ng tulong legal! - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.