Panuntunan sa Pagbibigay ng Lisensya ng Baril, Ipinarerebisa ng DILG

IPINAREREBISA NI Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas ang kasalukuyang reglamento at panuntunan sa pag-iisyu ng lisensya sa baril o anumang uri ng sandata.

Kasunod ito ng mga insidente ng karahasan sangkot ang mga nasabing armas.

Ayon sa kalihim na inuumpisahan ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office ang pag-o-audit at paggawa ng datos hinggil sa kung ilan sa mga nalisensyahang baril sa bansa ang shotgun o pistol at kung ilan sa mga ito ang nasangkot sa anumang krimen.

Aniya, mas madaling matutukoy kung alin sa mga armas ang kailangang higpitan pa ang pagbibigay ng lisensya.

Mahalagang mapagtibay ng PNP ang kakayahang makapag-regulate ng mga armas, ani Roxas.

Sa oras aniyang maiayos ang panuntunan, agad itong isusumite kay Pangulong Aquino para sa pag-apruba.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.