Panukalang Ilipat ang Navotas Fishport sa Cavite o Subic, Inalmahan

INALMAHAN NG mga may-ari ng fishing boat at fishing vessels na may mga kalakal ng iba’t ibang uri ng isda ang panukala umano ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino II na ilipat na lamang ang Navotas Fishport sa lalawigan ng Cavite o ‘di kaya sa Subic, Zambales para hindi gumastos ng malaking halaga ang pamahalaan kung isasailalim pa sa development ang naturang pantalan.

Sa ekslusibong panayan ng pahayagang Pinoy Parazzi sa ilang mga nabanggit, labis na maaapektuhan ang mga maliliit na negosyanteng nagtitinda ng iba’t ibang isda sa Metro Manila at posible pang makaapekto sa presyo ng bilihin ng panindang isda kung itutuloy ni PNoy ang nasabing panukala nito.

Nabatid ng pahayagang ito na noong 2012 nang nagkaroon ng National Economic Development Authority (NEDA) board meeting na pinangunahan umano ni Pangulong Aquino na sinasabing siyang chairman nito, kung saan pinagpulungan ang balakin na mailipat ang Navotas Fishport patungo sa Cavite o Subic sa katuwirang mas malaki ang magagastos ng gobyerno kung ide-develop pa o gumawa ng bagong pondohan ng mga isda.

Kung kaya, naman nanawagan ang naturang mga mangangalakal at ang pamunuan ng Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) kay PNOY na mabigyan ng sapat na pondo ang nasabing pantalan para maitaas o mai-upgrade ang Navotas Fishport bilang kilalang pambansang pondohan ng mga isda upang maging maayos ang kalakalan ng mga mamimili.

Inilahad pa ng mga ito na lubhang lumulubog ang kalye at kalsada sa paligid ng Navotas Fishport kapag sumasapit ang Hunyo, Hulyo at Disyembre dahilan upang hindi na mapuntahan ng mga mangangalakal ang loob ng nasabing pamilihan.

Hinihiling ng mga ito sa Administrasyong Aquino na maglaan ng P50 milyon para mapaayos at mapaganda ang Navotas Fishport sa pamamagitan ng suporta mula sa tanggapan ni Department of Agriculture Secretary Prospero Alcala para sa pagsasaayos ng kalsada at mga baradong drainage ng nasabing pantalan.

Anila, dapat namang pagandahin ang naturang pantalan dahil ang nasabing pondohan ay may malaking naitutulong sa pamahalaan dahil sa kinikita na humigit-kumulang sa P200 milyong taun-taon na naiaambag naman nito sa gobyerno.

(ROMAN MAGPOC)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.