Panukalang Batas na Bubuwag sa Cedula, Inihain ni Sen. Chiz

NAGHAIN NA si Sen. Francis “Chiz” Escudero ng panukalang batas na naglalayong buwagin ang paggamit ng community tax certificate o cedula.

Ayon kay Escudero, dagdag pasanin lang sa taumbayan ang cedula dahil may ibang paraan na ngayon para patunayan ang pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

“Abolishing the cedula practice is also like scrapping a relic of our colonial past. Yes, we must always look back at our past to know where we are going, but the cedula is a thing of the past that should already be buried for its obsolescence,” ani Escudero.

Maaalala na unang ginamit ang cedula sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila.

Samantala, bilang tanda ng pag-aaklas, pinunit ng mga katipunero sa pangunguna ng bayaning si Andres Bonifacio ang kanilang mga cedula.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.