Panukalang 4-Day Work Week vs Traffic, Makakatipid ng P18-B

MULING PINALUTANG ni Atty. Romeo Macalintal ang kanyang panukala na gawing apat na araw na lamang ang working days kontra sa paglala ng daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

Sinabi ni Macalintal ang sistema, kagandahan at kinakailangang sakripisyo sa ilalim ng kanyang panukalang 1997 pa niya nais ipatupad.

Maaaring isa o dalawang lungsod ang sabay magpatupad ng “day-off” o “holiday” sa iisang araw.

Katumbas ito ng tatlong araw na pahinga: Sabado at Linggo at karagdagang isang araw depende kung kailan ito itatakda sa isang partikular na lungsod.

Naniniwala si Macalintal na mababawasan ang bilang ng mga sasakyan sa kalsada dahil dito.

Nakita aniya ang pagluwag ng kalsada na itinutulak ng ganitong sistema noong Hunyo 24 kung kailan Araw ng Maynila at San Juan.

Ipinahahatid aniya niya ang panukalang ito kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III at MMDA Chairman Francis Tolentino.

Malaking savings aniya ito para sa mga tanggapan at pamahalaan sa kabuuan.

Magkakaroon din aniya ng dagdag-budget at dagdag-oras para sa mga empleyado ng gobyerno.

Bukod pa ito sa positibong epekto rin sa mga drayber at motorista.

Unang kinomentuhan ng Palasyo ang panukalang ito ni Macalintal sa pagsasabing kailangang tingnan ang epekto nito sa ekonomiya.

Sinagot naman ito ni Macalintal na hindi niya tiyak ang sinasabing epekto sa ekonomiya ng panukala; masyado aniyang malawak ang komento ng Malacañang.

Wala aniya sigurong masamang epekto kung isang buwang susubukang ipatupad ang panukala para makita ang epekto nito. Kung makitang walang epekto, madali lamang alisin ito.

Pinuna naman ni Macalintal ang mga negosyanteng umaaray agad sa panukala.

Sa pamahalaan aniya niya ipinapanukala ang eksperimento at hindi sa mga negosyante.

Samantala, kung saka-ling kokontra, dapat kakambal aniya nito ang ihahaing solusyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.