Panty ang secret kaya box-office lahat ng movie ni Ai-Ai! – Eddie Littlefield

KAHIT WALA SI Aling Dionesia Pacquiao sa presscon ng Ang Tanging Pamilya nina Ai-Ai Delas Alas at Joseph Estrada, agaw-eksena naman siya sa kanyang VTR. ‘Yung pagka-Visaya niya ang ikinaaliw ng entertainment press.
Hindi ba nahirapan si Ai-Ai sa mga eksena nila ni Nanay Dionesia?
“Mahirap kasi hindi naman siya artista, kailangang malaki ang pasensiya mo. Funny naman siya, hindi siya talaga nagpapatawa dahil ‘yung kilos at pagsasalita niya ang talagang nakakatawa. Tinuturuan ko rin siya at ginagawa naman niya, gina-guide ko siya lalo na sa mga linyang kailangan naming magbatuhan ng dialogue with facial reaction. Hindi siya gaano marunong mag-English pero nakakaintindi naman siya,” say ng Comedy Queen.
Twenty two years na ang nakalipas nang huli nating napanood si Erap sa Sa Kuko ng Aguila. This time, dream come true para kay Ai-Ai na makapareha niya ang dating actor/ politician sa isang comedy film. “Panoorin ninyo ‘yung passionate kissing scene namin ni Papa Erap. ‘Yung pag-kiss niya ng ganyan, pinasok niya nang kaunti ‘yung bibig niya. Tapos, niloloko ko siya. sabi niya, hindi, anong hindi? Pinasok mo nga ng kaunti.” Natatawang sambit ni Ai Ai.

[ad#post-ad-box]

Isang pang tsika ni Ai-Ai ay ‘yung daring scene niya rito. “First time kong ginawa ang mga ito. Marami akong bold scenes, nakakaloka, dalawang matitinding eksena. Eksena sa opening at sa gitna ng pelikula,” say pa niya.
Sa mga comedy films ni Ai-Ai palaging may bagong putahe.
“Every movie ko gusto ni Direk Wenn palaging labas ang panty ko kasi, pamahiin niya ‘yun. Lahat kasi ng movie ko blockbuster kapag nakikita ‘yung panty ko. Kailangang may panty scene ako, hindi na kailangan kung ano ‘yung color ng panty ko.
“Naka-walong panties na ako, iba-iba ang brand. Pansinin mo sa mga movies ko. Laging may eksenang nakapanty ako.”
“Nag-start ‘yan sa ‘Tanging Ina,’” sabi naman ni Direk Wenn.
After ng Ruffa & Ai, kailan kaya uli siya gagawa ng bagong morning show?
“Ayaw ko na, nahihirapan ako. Siyempre, blessing pa rin ‘yan pero hindi ako ‘yung ganu’n, hindi ‘yun para sa akin. Ang dami kong dapat gawin na mga shows sa abroad, hindi ko na nagagawa, sayang din naman ‘yun. Gusto kong mag-show, malaking datung ‘yun, relax ka pa, tapos sa ibang bansa pa,” pag-amin pa niya.
In love na naman kaya si Ai-Ai kaya may tattoo siya sa braso?
“Wala lang, freedom of expression ito. Kasi, kapag nag-concert ako this November gusto ko Madonna ang dating ko, Madonna at Angelina Jolie. Ang Lola Madonna mo, iba rin, parang hindi fifty two, full of energy,” sabi pa ng Box-Office Queen.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.