PANTASYA NG KALALAKIHAN FOR 2019: Andrea Torres, nagprodyus ng sexy calendar!

Andrea Torres

ALAM NA ALAM ni Andrea Torres na isa siya sa pinaka-pinagpapantasyahan ng kalalakihan at body goals naman ng mga kababaihan. To inspire both sa parating na 2019, nagproduce ito ng kalendaryo kung saan naging very generous ang aktres sa pagpapasilip ng kanyang God-given gifts.

Kung noon ay nagkaroon ito ng special photo book featuring the actress in sexy and intimate apparels, this time ay lalong magiging masaya ang fans lalo pa’t siya mismo ang nagprodyus nito. What the fans want, the fans get, ika nga.

Nasilip namin ang ilan sa mga steaming hot photos ng calendar kung saan ibinalandra ng dalaga ang kanyang napakaseksing katawan at talagang maglu-look forward sa future ang mga barako dahil sa naghahamon na ‘future’ ni Andrea. Well, hindi naman na bago si Andrea sa mga ganitong klaseng banat dahil lagi rin itong punchline sa kanya sa gag show na Bubble Gang.

Katatapos lang ng fantasy series na Victor Magtanggol at napansin namin na may ilang fans si Alden Richards na boto sa tambalan nila. May mga fans na nga ang ‘AlDrea’ tandem na hindi naman kataka-taka. Sa katunayan, the two were paired in a number of TV specials bago pa sumiklab ang tambalang ‘AlDub’ ni Alden with Maine Mendoza.

Andrea Torres

May mga nabasa rin kaming tweets ng fans ni Alden saying na they’re supporting Andrea. Ang ilan pa nga ay bumili ng kanyang 2019 calendar bilang suporta sa dalaga. There are rumors na may ‘something’ sa pagitan nina Andrea at Alden, pero sa ngayon ay tila quiet na ang kampo nito. Sadya lang bang sweet na friends ang dalawang Kapuso stars o nag-iingat lang dahil sa aggressive AlDub fans? Kita naman natin ang hating reaksyon ng fans nang pumutok ang kuwentong nalilink si Maine sa ibang artista na ang latest nga ay ang Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Well, basta bumili kayo ng calendar ni Andrea para lalong gumanda nag 2019 ninyo! To buy the Andrea Torres 2019 calendar, click here!

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.