Pantalon, ‘Di Nalabhan; Estudyante, Nagpatiwakal

PATAY ANG isang 15-anyos na estudyante matapos itong magbigti sa Tambo, Brgy. Macasandig sa Cagayan de Oro City.

Kinilala ang nasabing biktima na si Dande Valiente na residente sa nasabing lugar at estudyante ng Macasandig National High School.

Ayon sa ina ng biktima na si Susan Valiente, kanilang ikinagulat ang pagbigti ng anak matapos itong pinagalitan.

Nagreklamo umano ang biktima kung bakit hindi nalabhan ang kanyang pantalon at agad naman itong pinagalitan ng ina.

Sinasabing ito ang dahilan upang magbigti ang binatilyo sa pamamagitan ng pagtali sa leeg gamit ang lubid at ikinabit sa kisame ng silid nito.

Samantala, inamin ng pamilya nito na pikon at minsan ay tahimik lamang ang biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.