Pansariling Interes!

 

0932505xxxx – Mr. Tulfo nais ko pong isumbong sa inyo ang isang pulis na gumagamit ng service car para sa kanyang pansariling interes. Ito pong pulis na ito ay palaging dumadalaw sa kanyang kabit dala ang service car ng gobyerno. Ang pulis na ito ay nagngangalang SPO1 Glen Cruz. Sana po ay maipahatid ninyo sa kanyang pinuno ang ginagawang pagmamalabis ng pulis na ito. Maraming salamat po at mabuhay po kayo.

 

0917807xxxx – Sir Raffy, nais ko pong ipaalam sa inyo ang mga maling gawain ng mga pulis dito sa Parañaque City. Dito po sa lugar ng Coastal Road, bandang alas-dos ng madaling-araw, walang tigil sa pangongotong ang mga pulis na ito. Ito po ay may mobile body number 322. Wala po talagang awa sa mga motorista ang mga pulis na ito. Sana po ay magawan ninyo ng aksyon ang problemang ito. More power po sa inyong show.

 

0910229xxxx – Mr. Action Man, dito po sa lugar ng Angeles City, Pampanga ay mayroong kasalukuyang

nangongotong na LTO Flying Squad. Malapit po ito sa terminal ng Philippine Rabbit. At ang kanilang sasakyan na gamit ay may body no. 03 Central Luzon. At ang plaka ng kanilang sasakyan ay SHS-265. Ang kakapal po ng mukha dahil sila ay mga nakasuot pa ng kanilang mga uniporme at mayroong dalang baril ang mga abusadong  ito. Napakarami na po nilang nakotongan kaya dapat na po silang sugpuin. Ang isa po sa kanila ay nagngangalang Angel San Miguel.

 

0906229xxxx – Boss Raffy, ako po ay naghahanap ng trabaho. Ang isa po sa nakita ko ay naniningil ng pera sa halagang walong daan at limangpung piso. At pagkatapos po ay buong araw mong papakinggan ang kanilang tagapagsalita para ipaliwanag ang lahat ng maaari mong makuha kapag ikaw ay nakapasok sa kanilang kumpanya. At ang hirap pa po rito, bukod sa unang bayad ay

hihingi muli sila ng halagang dalawang libo at limang daang piso at isang libo at walong daang piso. At kailangan pa pong bumili ng kanilang mga produkto bago daw makapasok sa kumpanya. Napakahirap na nga po ng buhay namin pero ang mga mapagsamantalang kumpanyang ito ay walang awa sa tulad namin na ang gusto lamang ay makapaghanapbuhay. Sana po ay maipasara na ang kumpanyang ito dahil nanloloko po sila ng mga tao. Idol, ikaw ang pag-asa namin kaya sana po ay matulungan ninyo kami.

 

0919480xxxx – Idol Raffy Tulfo, nais ko pong ipahatid ang aming problema sa pamamagitan ng inyong programa. Ang talamak na mga snatcher dito sa lugar ng Cainta, Rizal sa Barangay San Andres sa Liwasang Bayan. Sa mismong tapat po ng barangay namin nagaganap ang pagnanakaw ng mga snatcher na ito. Wala pong ginagawang aksyon ang mga pulis dito sa aming lugar. Kayo na lamang po ang aming mahihingan ng tulong para masolusyunan ang aming problema. Maraming, maraming salamat po.

 

Ang inyong mga sumbong ay masosolusyunan at mapapakinggan sa programang WANTED SA RADYO, 2-4 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes sa 92.3 NewsFM. At mapapanood sa Aksyon TV Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming Aksyon Center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

 

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.