Pansamantalang paglabas sa ospital ni Morato, Pinayagan ng Sandiganbayan

NAGLABAS NG resolusyon ang Sandiganbayan na nagpapahintulot kay dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman Manoling Morato na pansamantalang makalabas ng St. Luke’s Medical Center sa Quezon City kahapon.

Base sa dalawang-pahinang resolusyon ng First Division, pinagbigyan ang mosyon ni Morato na inihain noong Mayo 24 na humihiling na makadalo siya sa kasal ng pamangking si Manuel Morato Puenca na gaganapin sa Heart of Jesus and Mary Parish sa Barangay West Triangle, Quezon City.

Sinabi ng Sandiganbayan na maaaring lumabas ng pagamutan si Morato mula alas-2:30 ng hapon at dapat makabalik ng alas-8:30 ng gabi.

Binigyang diin ng Sandiganbayan na kailangang akuin ni Morato ang lahat ng magiging gastos sa pansamantala niyang paglabas.

Bukod sa humanitarian consideration, sinabi ng korte na napagbigyan ang mosyon ni Morato dahil malapit lang ang St. Luke’s Medical Center sa simbahan at reception venue ng kasal na pawang nasa Quezon City.

Matatandaan na si Morato ay kabilang sa mga akusado sa plunder case sa Sandiganbayan kaugnay ng maanomal-yang paggastos ng pondo ng PCSO.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.