PANIRA NGA BA? Katrina Halili, pinatulan ang mga bashers ng karakter niya sa ‘Pamilya Roces’

Katrina Halili

PARANG kailan lang nang magtapos sa ere ang intense afternoon series ng Kapuso network na ‘The Stepdaughters’. Sa programa ay talagang kinainisan si Katrina Halili bilang Isabelle na talaga naman nakaka-high blood ang kasamaan sa programa.

Wala pa yatang isang buwan na nag-goodbye sa ere ang programa ay napanood muli sa isang Kapuso show si Katrina. This time ay sa primetime series na ‘Pamilya Roces’ pumasok si Katrina bilang si Maisa, ang pang-apat na misis Roces na may lihim na galit sa Padre de Pamilya (Roi Vinzon) at gagawin ang lahat para makapaghiganti lamang sa pamilyang kinasusuklaman niya.

Sa first few weeks ng programa ay hindi pa inilabas sa media na kasama ang aktres sa Pamilya Roces. Sa umpisa, ang alam ng mga tao ay ito’y magiging isang programa na may mabigat na family problem pero light ang magiging atake. Ito ang rason kung bakit kahit kontrabida si Sophie Albert bilang Amber ay marami ang naaaliw sa kanilang mag-momshie ni Elizabeth Oropesa. Maging si Rocco Nacino ay may good reviews sa kanyang pagganap bilang unfaithful na asawa ni Crystal (played by Carla Abellana).

Palaban ang mga babae sa show at hindi natin masisisi ang viewers kung ang expectations nila ay magiging kasing light lang ito ng ‘The One That Got Away’ at ‘Inday Will Always Love You’ na nakapuwesto noon sa same timeslot at umani ng mataas na ratings.

Megan Young and Katrina Halili

With Pamilya Roces, maganda naman ito noong umpisa. Nagkataon lang siguro na malupit ang kalabang programa na ‘Halik’, kung saan trending halos gabi-gabi ang mga eksena.

Dahil siguro sa paglugmok ng ratings ay nagdesisyon ang GMA-7 na ipasok si Katrina Halili bilang panggulo.

This time ay naging vocal ang ibang fans ng show sa pagkadismaya nila dahil biglang naging violent ang programa sa pagpasok ng karakter ni Maisa. Ang iba ay pinepersonal si Katrina.

“Kaya nakaka disappoint na naisip niyo pang magdagdag ng “Maisa”. Sa totoo yun yung sumira sa show. From a promising first 7 weeks to a disappointing week 8 to 10 real quick. #PRJadeVsMaisa”

“Sana napromote mo ng maayos wk1-7, para para hindi ka na disappoint” pag-tweet back ni Katrina sa disappointed viewer.

“Nawala sa ayos itong seryeng ito noong pinasok yung character ni Katrina. Dati nakakaaliw ngayon may patayan na. Dyusmio! #PRTiyakNaKapahamakan”

Sinagot ito ni Katrina ng: “Kahit hindi ako pinasok, ganun pa din yun. San pala ikaw ang pumasok”

Katrina Halili

And another one tweets: “O buti naman naisip niyo pang ibalik yung butas tungkol kay Amber. Eh so Momshie kamusta? Sarap pag uumpugin ng writers nito eh. Pati direktor–oo la kong pake kung si Joel Lamangan yan. #PRTiyakNaKapahamakan”

In which Katrina responded: “Wag ka manuod, asar ka pala eh. May nakatutok ba na baril sayo para manuod ka nyan kung ayaw mo”

Kamakailan lang ay naging vocal si Katrina sa pagsabi ng kanyang disappointments sa mga kontrabida roles na napapataw sa kanya. Sa totoo lang, kaya rin naman ni Katrina na maging good girl sa programa as proven sa kanyang ToFarm Film Festival entry na ‘Mga Anak ng Kamote’.

Siguro after Pamilya Roces ay mas mainam na magpahinga muna si Katrina sa super maldita at kontrabida roles. Nasobrahan na ang pagta-typecast sa kanya na hindi na nakakatuwa.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.