Paninindigan ni Duterte, sinaling ni De Lima

PINANINDIGAN NI Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang kanyang pahayag na kaya niyang pumatay ng smuggler at handa rin siyang makulong para rito sa nakaraang Senate hearing ukol sa rice smuggling noong Lunes.

Dismayado naman sa pangyayaring iyon si Department of Justice Sec. Leila de Lima dahil hindi pinuna at direktang sinaway ng mga senador ang mga naging pagbabanta ni Duterte.

Napapailing din ito sa reaksyon ng ibang mambabatas na tinatawag pang “idolo” ang kontrobersyal na alkalde at may pagkakataon pa na natatawag itong “Senator Duterte.”

Sinabi ni De Lima na ayaw niyang pangunahan ang mga mambabatas ngunit maituturing na “disturbing” ang mga pahayag ukol sa pagpatay ng tao, maging ito man ay kriminal o hindi.

“That is so disturbing. You cannot just do that. Rule of law tayo, ‘di ka lang basta-basta magpatay ng tao. I find it disturbing,” pahayag pa ng kalihim.

Iginiit pa ni De Lima, nasa gobyerno pa rin ang alkalde na nangangahulugang sakop ito ng mga umiiral na batas.

Nairita rin ang kalihim sa mga sinabi ni Duterte na puro lamang salita ang mga ahensya ng pamahalaan at kulang sa gawa.

Dapat umanong maunawaan ng nasabing alkalde na tumutugon lamang sila mga tanong ng media at publiko kaya nagsasalita.

Samantala, habang hindi naman maaaring ilabas lahat sa taumbayan ang buong detalye ng kanilang mga aksyon, lalo na sa paghahabol sa mga smuggler dahil may maseselang bahagi umano ito na maaaring makaapekto sa kanilang trabaho.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.