PANIGURADO NI JUDY ANN SANTOS: Straight ang mister niyang si Ryan Agoncillo!

Judy Ann Santos

ANG LAKAS ng tawanan during the presscon of Judy Ann Santos and Angelica Panganiban’s new film dubbed “Ang Dalawang Mrs. Reyes” na dinirek ni Jun Robles Lana.

Good vibes ang loob ng Dolphy Theater. Walang kanegahan dahil lahat ng mga artista, game na game na sinagot ang mga tanong ng press sa isyu tungkol sa kabaklaan.

Ang kuwento kasi ng pelikula ay tungkol sa dalawang misis na nadiskubre ng dalawang bida na ang mga mister pala nila ay mga beks (bading).

During the presscon, may nagtanong kay Juday kung ano ang gagawin niya kung madiskubre niya na beki (bakla) pala ang mister na si Ryan Agoncillo.

“Parang matitigalgal muna ako ng mga 3 days bago ako magsimulang maghalungkat ng mga ebidensya,” reply ni Judy na sinundan ng tawa ng ang mga press na nakarining na nagtawanan.

Paliwanag ng aktres na matagal din nabakate sa mga pelikulang tulad nito (dati kasi puro mabibigat na temang indie movies ang ginagawa niya tulad ng Cine Malaya’s Kusina), this time, ibang timpla ng komedya ang pelikula niya na palbas na sa darating na Wednesday, January 17.

Sagot ni Juday: “Kasi sa reyalidad, parang totoo ba ito? Tatanungin mo ang sarili mo na totoo ba ito o nasa teleserye ba ako? Panaginip lang ba ito?

“Kung sa totoong buhay siyang mangyayari, ipa-punchline mo rin naman talaga ang sarili mo kasi there’s really no way out dun sa situwasyon mo bago ka makawala, masasaktan ka muna,” sabi niya.

Pero paga-assure ng aktres tungkol sa sexuality ng mister niya na walang isyung kabaklaan si Ryan.: “ Walang-wala. Thank God,” sabi niya.

Judy Ann Santos and Angelica Panganiban

Ang gay themed film ay tumatalakay tungkol sa infidelity ng mga mister ng dalawang misis sa kani-kanilang mga relasyon ay may mga eksena na kinunan sa Taiwan during the celebration ng LGBT Pride March.

Laugh trip ang movie kung saan bukod kay Angelica ay makakasam din nila ang dalawang hunk at pantasya ng bayan na sina JC de Vera and Joross Gamboa.

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.