Panibagong Sink Hole, Nadiskubre sa Cebu

PANIBAGONG SINK hole na naman ang nadiskubre sa bayan ng Dalaguete, Cebu.

Ang nasabing malaking butas sa lupa ay tinatayang may lapad na 10 metro, habang hindi pa nalalaman ang lalim nito dahil hindi pa natitingnan ng mga eksperto.

Ayon kay Casay Brgy. Capt. Joseph Belamia, isang pastol umano ang nakakita ng nabanggit na sink hole sa Sitio Carpo na nasa gilid lang ng daan habang nagpapakain ito ng kanyang mga alagang baka.

Patuloy rin daw itong lumalaki at lumalalim dahilan ng pagkabahala ng mga residente.

Sa ngayon ay nilagyan na ng cordon ng barangay official ang sink hole para na rin makaiwas sa disgrasya ang mga mamamayan.

Ipinaalam na rin ang pangyayari kay Dalaguete Municipal Mayor Ronald Allan Cesante at hinihintay ang magiging rekomendasyon nito.

Ang naturang butas sa lupa ay resulta umano ng 6.9 magnitude na lindol na tumama noong Pebrero 6 sa Visayas at Mindanao.

Sinabi ng ilang mga residente, dalawang araw matapos ang pagyanig ay bigla na lang umanong nagkaroon ng butas ang lupa na pinaghihinalaang may underground river.

Nababahala pa ang mga residente sa posibleng tuluyang pagguho ng lupa dahil sa patuloy na paglaki nito.

Hihinintay na rin ng barangay ang pagbisita ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) para masuri ang butas sa ilalim ng lupa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.