Panibagong Rollback sa Presyo ng Petrolyo

MULING NAGPATUPAD ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis kahapon.

Epektibo alas-12:01 kahapon ng madaling-araw, nagtapyas ang Petron at Seaoil ng P0.65 sa presyo ng kada litro ng premium, unleaded at regular gasoline, P0.40 sa kerosene at P0.30 sa diesel.

Nagtapyas din ang mga kumpanyang Shell at PTT ng P0.65 sa kada litro ng regular gasoline at P0.30 sa diesel. Bukod pa rito ang P0.60 na bawas-presyo ng Shell sa premium at unleaded gasoline at P0.40 sa kerosene.

P0.40 din sa kada litro ng diesel habang P0.70 sa kada litro naman ang ibinawas sa presyo ng gasolina ng Eastern Petroleum.

Alas-6 kaninang umaga naman nang magtapyas ang Phoenix Petroleum ng P0.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina at P0.30 sa diesel.

P0.30 din ang itinapyas sa kada litro ng diesel ng Total, pero P0.65 sa presyo ng kanilang premium, unleaded at regular gasoline.

Una nang nagbaba ang Unioil ng P0.70 sa kada litro ng kanilang premium at unleaded gasoline at P0.40 sa diesel nitong Linggo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.