Panibagong Petisyon vs RH Law, Inihain sa SC

ISA PANG panibagong petisyon kontra sa Reproductive Health (RH) Law ang inihain kahapon sa Korte Suprema.

Ang petition for prohibition ay inihain ng Alliance for the Family Foundation Philippines Inc. (ALFI) sa pamamagitan ng kanilang pangulo na si Atty. Maria Concepcion Noche.

Kaugnay nito, hiling ng petitioner sa Supreme Court na magpalabas ng temporary restraining order (TRO) o Preliminary Injunction laban sa Republic Act No. 10354 o The Responsible Parenthood & Reproductive Health Act of 2012.

Iginiit naman ng ALFI na labag sa right to life ang nasabing batas.

Inilagay rin umano nito sa panganib ang buhay ng isang ina at ng hindi pa pinapanganak na sanggol dahil sa pagpayag na gumamit ng hormonal contraceptives.

Sinasagasaan din anila nito ang right to the free religion at ang karapatan ng mag-asawa sa pagbuo ng sariling pamilya na naayon sa kanilang relihiyon.

Samantala, una nang hindi inaksyunan ng SC ang unang petisyong inihain ng mag-asawang James at Lovely Imbong laban sa batas at sa halip ay isinama ito sa mga tatalakayin sa susunod na en banc session.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.