Panibagong kaso, ikinasa kay Misuari

SINABI NI Pangulong Benigno ‘Noynoy; Aquino III na kakasuhan ng illegal possession of explosives ang lider ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Nur Misuari.

Ito ay matapos aniyang makarekober ng mga pampasabog sa bahay nito sa Zamboanga City.

Iginiit ng Pangulong Aquino na non-bailable o walang piyansa ang nasabing kaso.

“Ni-raid ‘yung bahay na sinasabing nitong si [MNLF Spokesman Atty. Emmanuel] Fontanilla na hindi raw bahay ni Misuari pero katagal-tagal na roon siya nakatira ‘pag nasa Zamboanga City. May nahanap na mga ipinagbabawal na [pampasabog]… I think the new case will be illegal possession of explosives which is non-bailable.”

Patuloy na pinaghahanap ang MNLF founder para maisilbi ang warrant of arrest sakaling mailabas na.

Matatandaan na una nang sinampahan ng kasong rebelyon ng Philippine National Police (PNP) si Misuari at mga tauhan nito hinggil sa krisis sa Zamboanga City na ikinamatay ng mahigit 200.

Samantala, inihayag naman ng punong ehekutibo na inaalam pa kung may mga personalidad na nagpondo sa aniya’y pag-atake ng mga rebelde sa lungsod.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.