Pangulo ng Samahan ng mga Brgy. Chairman, Anak at Sekyu, Patay sa Ambus

PATAY ANG ACTING President ng Association of Barangay Chairmen (ABC) kasama ang anak nito at bodyguard nang pagbabarilin sa Bauan, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang mga nasawi na si Henry Adora acting ABC President ng Barangay San Miguel, Bauan, Batangas, ang anak ng kapitan na si Hanzel Adora at ang bodyguard nitong si Armano Ladignon na residente ng nasabing lugar.

Nangyari ang pana-nambang dakong alas-3:20 ng madaling-araw sa kahabaan ng National Road ng Barangay San Miguel, Bauan, Batangas.

Naglalakad pauwi ang mga biktima mula sa pakikipagsabong nang biglang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa nag-aabangan na get-away vehicle na isang kulay green na L-300 van na may plakang UJK-711.

Matapos ang pamamaril ng mga suspek gamit ang isang M-16 armalite rifle at tumakas ang mga ito patungo sa bahagi ng Mabini sa nasabi ding lalawigan.

Narekober naman ng mga awtoridad sa crime scene ang apat (4) na empty shells ng M16 assault rifle.

Sa ngayon patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad ukol sa nasabing pamamaslang, inaalam na rin ang motibo at pagkakilanlan ng mga suspek.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.