Pangongotong sa Tarlac

0939147xxxx – Sir, ire-report ko lang po iyong ginawang pangongotong ng mga nakaunipormeng pulis sa may Tarlac City noong isang umaga. Nanghingi ng 500 pesos sa isang private van ang limang mga pulis na walang mga suot na nameplate.

 

0907631xxxx – Sir, isusumbong ko lang po sa inyo ang mga yellow boys sa Binondo na malakas ma-ngotong. Sana po ay mabigyan sila ng leksyon. Salamat po.

 

0938202xxxx – Gusto lang po sana naming isumbong iyong LTO po sa Tabang, Bulacan dahil hinihingian po iyong asawa ko ng isang libong piso para ma-release ang kanyang lisensiya. Hindi niya nakuha kasi hinihi-ngan niya ng resibo pero ayaw magbigay.

 

0946248xxxx – Idol Raffy, pakikalampag naman po ang kinauukulan dito sa Comembo, lagi kasing traffic dahil sa mga iligal na terminal ng mga tricycle. Hindi na makausad ang mga sasakyan dahil nasa kalsada ang iligal na terminal. Sana po ay maaksyunan ito. Salamat po.

 

0908637xxxx – Idol, gusto ko lang po isumbong iyong mga nagtitindang vendor sa ibabaw ng tulay sa may tapat ng Coastal Mall sa kanto ng MIA Road dahil hindi na makadaan ang mga tao dahil halos sakupin na nila ang daanan. Sana po ay makalampag ninyo ang mga kinauukulan para maisaayos sila. Salamat po at more power sa inyong programa.

 

0939172xxxx – Sir Raffy, concern lang po ako sa mga guro sa Marikina na hanggang ngayon ay hindi pa sila sumasahod. Apat na buwan na silang walang suweldo. Baka puwede naman pong pakigising ang mga kinauukulan sa DepEd Marikina. Nakakaawa po ang mga gurong hindi sumasahod samantalang nagpapakahirap magtrabaho. Sana po ay matulungan ninyo sila. Mara-ming salamat po.

 

0907405xxxx – Sir, pakikalampag naman po ang kinauukulan dito sa may Estrada Street sa may Singalong dahil mayroon po kasing isang punong patay na at anytime ay puwedeng matumba. Matagal ko na po itong napapansin pero hindi yata nakikita ng mga barangay officials na nakakasakop dito. Nakakatakot po kasi dahil maraming mga estudyante at mga residente na duma-daan dito. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin ang isinumbong ko. Salamat po.

 

0916289xxxx – Hihingi po sana kami ng tulong sa inyo tungkol po ito sa kapitbahay namin na tumaga sa alaga kong aso. Pinagmumura po niya ang asawa ko at binantaan na papatayin, pagkatapos ay nagpaputok pa ng baril. Nag-report kami sa pulis pero wala silang ginawang aksyon. Sana po ay matulungan ninyo kami. Salamat po.

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cignal Cable ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 1, Channel 7 sa Destiny at Channel 59 naman sa Sky Cable.

Para sa inyong mga sumbong maaari kayong magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City o kaya ay mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.