Pangongotong sa Taguig!

 

0916427xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen, isusumbong ko lang po iyong mga pulis na sakay ng mobile patrol car na may plate number SJH 154 at body number na 513 na basta-basta na lang nanghuhuli ng mga motorista. Namamara sila ng mga motor sa may Taguig para lang ma-ngotong. Sana po ay maturuan ninyo sila ng leksyon. Salamat po.

 

0929524xxxx – Idol, may isusumbong lang po ako sa inyo tungkol sa isang mobile patrol sa highway ng Sariaya, Quezon. Kinotongan kami ng 500 pesos. Hindi lang kami ang kinotongan pati ang mga driver ng mga delivery trucks na papuntang Maynila. Ang mobile patrol ay may body number na 415. Pakibigyan naman po ng aksyon. Maraming salamat at more power sa inyong programa.

 

0932270xxxx – Sir Raffy, ire-report ko lang po na maraming buwaya rito sa amin sa Bocaue, Bulacan tuwing gabi.  Nakatambay sila malapit sa boundary ng Marilao. Ilang beses na po kami nitong pinapara para lang mag-abot sa kanila ng lagay.

 

0939274xxxx – Mr. Tulfo, isa po akong concerned citizen, isusumbong ko lang po iyong isang barangay chairman dito sa Sampaloc, Manila na nag-aalaga ng panabong na manok sa likod mismo ng barangay hall. Pinamumugaran po kasi ng lamok ang nasabing lugar. Sana po ay matulungan ninyo kami.

 

0908345xxxx – Boss Raffy, isusumbong ko lang po iyong mga orange boys ng Las Piñas, lagi silang na-ngongotong mula umaga hanggang hapon, kahit lagpas 5:00 p.m. na ay nanghuhuli pa rin sila. Sana po maaksyunan ninyo.

 

0907326xxxx – Sir, gusto ko lang pong itanong kung talagang may bayad ang HEPA B vaccine para sa mga sanggol sa health center? Dito kasi sa health center namin sa Cabuyao, Laguna ay mayroong bayad na mahigit 300 pesos. Sana po ay masagot ninyo ang katanungan ko. Salamat po.

 

09266365126 – Sir Raffy, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan o namamahala sa Cavite Expressway dahil iyong south bound po ay kabagu-bago pa lang ngunit sobrang dami na ng butas halos isang lane na lang ang madadaanan nang matino. Napa-kadelikado para sa mga motorista lalo na sa gabi. Mahigit isang buwan na po ang problemang ito pero hindi pa rin naaaksyunan. Sana po ay magising ninyo sila para umaksyon sila sa problemang ito. Salamat po.

 

ANG INYONG SHOOTING RANGE ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa TV5, 11:30-2:15 pm sa programang Balitaang Tapat at sa T3 naman pagsapit ng 5:30-6:00 pm.

Mapapakinggan din ang inyong lingkod sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ang WSR ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong, magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City. Maaari ding mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

 

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.