PANGONGOTONG SA OFW (Part I)

SA ISANG SEMINAR na nadaluhan ko, sabi po ng speaker ay may babayaran pa po kaming mandatory insurance liban pa po sa babayaran namin sa OWWA. Ano po ba ‘yun? At puwede po bang malaman kung meron pa pong ibang singilin ang gobyerno para po mapaghandaan ko ang mga gastusin?—Eddie M. Ng Bacoor, Cavite

MARAMI KA PANG babayaran. At ang karamihan nito’y mapupunta sa  gobyerno.  At ang mga baya-ring ito ay hiwalay pa sa babayaran mong placement fee, documentation, medical at kung anu-ano pa. Sa dami ng mga bayarin, hindi ito magkakasya sa isang installment lang ng kolum ko. Pero nais kong talakayin muna ang sinasabi mong bayarin sa OWWA at sa mandatory insurance.

Sa OWWA, may babayaran kang $25. Ito ay taunan mong babayaran dahil mandatory (sapilitan) ang membership sa OWWA. Para saan daw ito? Diumano, ito ay para ipangtulong sa mga distressed o problemadong mga OFW. Obligadong bayaran mo ito kahit ang totoo ay hindi naman talaga sapat ang naitutulong ng gobyerno sa mga inaapi at inaabuso nating OFW.

Ang Migrants Workers Act o ang amended Republic Act 10022 ay nagtatadhana naman ng mandatory health insurance. Ito ay para naman daw masakop ng insurance at may ipambayad sa mga OFW na dumaranas ng injury dahil sa aksidente, pagmaltrato o abusong pisikal. Nais kong sipiin ang sinabi ni John Monterona ng Migrante Intl. tungkol dito: “Walang pera o halaga na makapagbabalik sa nawalang buhay ng OFW o sa nilabag niyang karapatan o sa pagyurak sa kanyang dignidad.”

Isa pa, hindi kaya maging dahilan ng gobyerno ang mandatory insurance na ito para makaiwas ito sa responsibilidad ng pagbibigay-proteksyon sa mga OFW? Puwede ka-sing sabihin ng gobyerno sa OFW na “Bahala na ang insurance company sa mga problema n’yo!”

Kinukuwestyon din ng migrante ang non-coverage ng mga injury na bunga ng breach of contract. Halimbawa, kapag nangyari ang pinsala sa OFW na wala na siyang kontrata sa employer, wala nang pananagutan ang insurance. Pero ano ang aktwal na kaganapan sa ibang bansa?

Pangkaraniwan nang istorya, lalo na ng mga DH, na sila ay ‘di na makatagal sa ‘di pagsuweldo, panggagahasa, pananakit at iba pang abuso ng kanilang amo. Dahil dito, tumatakas o lumalayas ang OFW mula sa bahay ng kanyang amo. Ang pag-runaway o pagtakas ay pumuputol sa relasyon ng OFW at employer. Hindi pa tapos ang kontrata, umalis na siya. Breach of contract ito, ayon sa mga insurance company. Ni isang kusing ay walang makukuha ang OFW mula sa insu-rance.

Sino na naman ang kawawa? Sino na naman ang kumita? (Itutuloy)

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO!

Maaari n’yo ring i-text ang inyong mga katanungan na may kinalaman sa OFW o iba pang usaping legal sa:

PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users)

O kaya’y mag-e-mail sa omecandazo@yahoo.com

By Atty. Ome Candazo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.