Pangongotong sa NAIA 1

0907609xxxx – Sir Raffy, mayroon lang po akong isusumbong sa inyo kasi rito po sa NAIA Terminal 1, bago umakyat ng tulay, ay may mga pulis na nangongotong sa mga sasakyan. Marami silang nabibiktima dahil gabi-gabi po nilang ginagawa iyong paniniket nang wala sa lugar at tanging pangongotong lang ang pakay. Pakiaksyunan naman po para matuto sila dahil kawawa naman ang mga driver ng sasakyang nabibiktima nila. Salamat po.

 

0947277xxxx – Sir Raffy, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan dito po sa may Bagong Silang Caloocan dahil maraming krimen po ang nangyayari rito sa lugar namin. Sana po ay mapag-ukulan ng pansin ito dahil may mga armadong tao na bigla na lang namamaril dito at pumapatay ng tao.

 

0939327xxxx – Sir, isusumbong ko lang po na rito sa lugar namin sa Tagaytay City ay may mga abusadong pulis sa pangunguna ng isang SPO4 Bayot. Isa po akong tricycle driver, hindi pa naman po ako nahuli ngunit maraming beses na po nilang ginagawa ang panghuhuli sa mga kasamahan ko sa salang illegal terminal samantalang nasa loob kami ng city market kung saan ito ang itinalaga ng City Government of Tagaytay na ligal na terminal. Katunayan po ay may malaki pang nakasulat doon na “tricycle terminal.” Sobra na po ang pang-aabuso nila sa amin. Sana po ay matugunan ninyo ang aming sumbong. Salamat po.

 

0947499xxxx – Isa po akong concerned citizen at ang reklamo ko po ay tungkol sa mga street lights dito sa Ortigas Avenue dahil mahigit tatlong buwan na pong walang ilaw. Nakakatakot po kasi puro mga bangko pa naman ang nasa paligid at napakadilim ng kalye sa gabi. Sana po ay maaksyunan ng mga kinauukulan.

 

0909472xxxx – Idol, irereklamo ko lang itong isang junkshop sa kahabaan ng Litex, Quezon City. Sobrang baho po at nakakasuka ang amoy na kumakatas pa. Masyadong perhuwisyo ang dulot nito sa mga duma-daan lalo na po sa mga batang mag-aaral. Tulungan po ninyo kami na magising ang aming mayor.

 

0927453xxxx – Idol, isusumbong ko lang po ang kawalan ng aksyon dito sa amin ng barangay dahil hindi sinisita ng mga tanod at kagawad ang mga nag-iinuman dito na kung minsan ay umaabot pa ng madaling-araw. Nakakaistorbo po kasi sa aming mga maagang gumigising at nagsisipasok. Sana po ay mabigyan ninyo ng pansin. Salamat po.

 

Ang inyong SHOOTING RANGE ay napapakinggan sa WANTED SA RADYO sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ang WSR ay kasabay na mapapanood sa Channel 41 sa Aksyon TV. Sa Cignal ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 1 at sa Channel 7 naman sa Destiny. Sa SkyCable ito ay nasa Channel 59.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO. Maaari ring magsadya sa aming action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City.

 

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.