Pangongotong sa mga motorista

0922287xxxx – Idol Raffy, may mga pulis dito sa Maynila na umiikot at nangongotong sa mga sasakyan. Ang plate number ng service vehicle nila ay SFX 113. Lasing pa kasama nilang isang pulis na nakilalang si PO2 Banda at isang sibilyan na  mayabang. Umiikot sila sa Paco, sa area ng San Marcelino at Leon Guinto. Sana po ay maaksyunan ang problemang ito dahil kawawa naman ang mga nagiging biktima nila. Salamat po.

0943356xxxx – Sir Raffy, isusumbong ko lang po ang isang PO1 Cahilig na naka-duty noong isang gabi sa PCP malapit sa Navotas city hall. Nag-aabang siya ng mga dumadaang motorista, pinapara at kinokoto-ngan. Wala siyang dalang paniket. Kapag walang maibigay na pera, tumatawag siya ng magti-ticket.

0916287xxxx – Sir paki-check naman po iyong pulis na ang pangalan ay Garbin Mendi sa kadahilanang madalas siyang nagpapaputok ng baril. Naka-assign daw po siya sa Mandaluyong.

0916267xxxx – Sir Raffy, pakiimbestigahan naman po ang kuhanan ng police clearance sa Caloocan city hall. Naniningil po kasi sila ng 180 pesos na mas mataas pa sa NBI clearance. Ang nakalagay lang naman po sa resibo ay 100 pesos lang. Pati ang digital imaging nila ay may bayad din na eighty pesos.

0948771xxxx – Sir, hihingi lang po ako ng tulong dahil sa ginawang pagkulong sa akin sa bintang na nakabangga ako ng isang tao. Nakulong ako ng apat na araw at kinuha ng isang airport police ang aking lisensiya na wala namang ibinigay na kapalit na ticket. Sana po ay matulungan ninyo ako. Salamat.

0922766xxxx – Magandang araw po Mr. Tulfo, isa po akong magulang ng estudyante ng Lagro High School, pakiimbestigahan naman po ang principal at PTA president sa naturang eskuwelahan kasi po noong enrollment ay naningil na kaagad sila ng PTA contribution. Sa loob ng dalawang taon ay hindi po sila nagpapatawag ng general assembly at nagpareelect ng officer dahil sa malaking pera ang involve dito. Nagtanong po ako sa isang officer kuno kung magkano na ang pondo ng PTA at nasaan ang pera. Hindi niya po maipaliwanag, alam po ng mga kapwa  ko magulang na wala na ang pera ng PTA. Pakiim-bestigahan naman po. Maraming salamat.

0949900xxxx – Irereklamo ko lang po iyong company namin. Malapit na po akong magtatlong taon dito pero hindi pa rin ako regular. Every three months ay pinapapirma kami ng kontrata. Wala sa minimum ang sahod at walang overtime pay. Wala rin pong mga benipisyo katulad ng SSS.

0949243xxxx – Sir, isusumbong ko lang po sa inyo ang R-911 Security Force dahil wala sa minimum ang kanilang pasahod at nagpapa-duty sila ng mga guwardiya kahit walang lisensiya.

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes-Biyernes, 2-4 pm. Kasabay na mapapanood din ito sa Aksyon TV sa free Channel 41.

Para sa inyong mga sumbong at reklamo magsadya lamang sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City. Maaari rin kayong mag-text sa 0908-87-TULFO o 0917-7-WANTED.

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.