Pangongotong sa kalentong

 

0932394xxxx – Idol, gusto ko lang pong malaman kung bawal na ngayong dumaan ang mga loading na truck sa kahabaan ng Shaw mula sa Kalentong hanggang sa Crossing? Noong isang gabi kasi ay pinara ako ng tatlong enforcer sa may stoplight sa Acasia Lane, Mandaluyong, sinabi po nilang bawal daw po ang loaded na dumaan. Kotong lang naman po ang ginagawa ng mga nanghuhuli sa amin kasi sinasabi nila na P500 daw po ang multa at kung magpapa-ticket pa kami ay maaabala lang kami. Tapos po ay may iaabot na lalagyan ng lisensiya at kapag nilagyan namin ng pera ay may kunwaring pinapapirmahan sila para raw sabihin ng mga makakakitang tao ay tinikitan nila kami. Sana po ay matigil na ang ganitong gawain. Maraming salamat po at more power sa inyong mga programa.

 

0927326xxxx – Idol, isusumbong ko lang po sa inyo iyong mga pulis na sakay ng isang mobile patrol car na may plate number na SJA 734 PS-3 ng QCPD dito sa may Culiat. Mga patabaing baboy ang mga pulis na ito at perhuwisyo ‘di lang sa kapulisan kundi pati sa mga mamamayan. Pagkagi-sing pa lang sa umaga mga truck na ang aatupagin nila, akala mo may toll gate doon. Araw-araw nilang gawain ang pangongotong dito at may bata pa si-lang taga-kolekta. Sana po ay makastigo ninyo ang mga makakapal ang mukhang pulis na ito. Salamat po.

 

0906531xxxx – Sir Raffy, nais ko lamang pong isumbong ang pulis sa may checkpoint sa San Juan. Nakasakay ako sa taxi at pinara nila, hinalughog iyong bag ko. Ang dami pang tanong na katulad ng saan daw ba ako galing, saan ako pupunta at kung may dala raw ba ako baril kaya bilang depensa ay ipinakita ko ang bag ko dahil wala naman akong itinatago. Tama po ba ang ginawa nilang pagtse-check point? Ano po ba ang tamang procedure sa check point?

 

0921773xxxx – Sir, ire-report ko lang po sa inyo ang mga traffic enforcer na protektor ng isang iligal na terminal dito sa may Calamba City. Ang mga jeep po na biyaheng Tanauan ay may bayad kada aalis, P20 para sa enforcer. Nagdudulot po kasi ng matinding trapiko ang iligal na terminal na ito dahil sinakop na nila ang isang lane. Sana po ay maaksyunan ninyo ito. Salamat po.

 

0929364xxxx – Sir Raffy, itatanong ko lang po kung may karapatan po bang maniket o gumanit ng ticket ng TMO ang isang pulis kahit hindi po siya ang authorized apprehending officer?

 

Ang WANTED SA RADYO ay mapapakinggan sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ito ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa Cignal Cable ang Aksyon TV ay mapapanood sa Channel 1, Channel 7 sa Destiny at Channel 59 naman sa Sky Cable.

Para sa inyong mga sumbong, maaari kayong magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City o kaya ay mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.