Pangongotong ng mga traffic enforcer

0948342xxxx – Sir, malakas po ang kotongan dito sa may tapat ng isang fastfood chain malapit sa palengke ng Bacoor, Cavite. Iyong mga yellow boys na traffic enforcers ay mga walang habas na kinokotongan ang mga jeepney at mini-bus drivers. Gabi-gabi po itong nangyayari at walang paltos, sa pagitan ng 6:30-8:00 ng gabi.

 

0915868xxxx – Mr. Tulfo, isusumbong ko lang po ang mga traffic enforcers dito sa may Malabon, sa tapat ng San Bartolome Church, dahil gabi-gabi ko pong nakikita na may inaabot na pera iyong mga driver ng jeep kapag humihinto dito.

 

0927559xxxx – Sir Raffy, dito po sa Taytay, Rizal may mga pulis na nakasakay sa isang pulang pick-up na grabe kung mangotong. Saka po iyong HPG mobile na may body number na 413 ay pinapara lahat ng naka-motor para mangotong, Sana ay maaksyunan ninyo. Maraming salamat po at more power sa inyong programa.

 

0907979xxxx – Sir, ire-report ko lang po ang mga kabalbalang ginagawa ng mga naghahari-hariang barker at driver sa Taguig. Dahil po sa kanila ay lumalala ang traffic dito at hindi naman magawan ng aksyon ng mga enforcer at mga pulis. Sana po ay maaksyunan niyo.  Salamat po.

 

0939283xxxx – Idol, pakikalampag naman po ang mga pulis na nakakasakop sa may overpass sa may Edsa-Aurora na magkaroon sana ng police visibility dahil sa talamak na kaso ng snatching. Sana po ay magkaroon ng aksyon.

 

0923839xxxx – Isa po akong concerned citizen at gusto ko lamang pong ipakalampag ang mga kinauukulan dito sa Caloocan City dahil sa lubak-lubak na kalsada malapit sa Caloocan Police Headquarters. Napakatagal na po ng sirang kalsada na ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin naaksyunan. Sana po ay sa pamamagitan ng programa ninyo ay magising ang mga kinauukulan dito. Maraming salamat po.

 

0927491xxxx – Sir, itatanong lang po kung ano ang dapat kong gawin dahil naka-impound ang motor ko at hindi mai-release? Willing naman akong magbayad sa nasagi kong kotse pero hindi ito sumisipot. Ayaw pa rin nilang i-release ang motor ko kahit wala nang complainant. Ang gusto po ng pulis ay sa kanya ako magbayad ng anim na libo para mai-release ang motor ko. Ano po ba ang dapat kong gawin? Salamat po.

 

Ang inyong SHOOTING RANGE ay mapapanood Lunes hanggang Biyernes sa TV5, 11:30-12:15 pm sa programang Balitaang Tapat at sa T3 naman pagsapit ng 5:30-6:00 pm.

Mapapakinggan din ang inyong lingkod sa programang WANTED SA RADYO sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes hanggang Biyernes, 2:00-4:00 pm. Ang WSR ay kasabay na mapapanood sa Aksyon TV sa Channel 41.

Mamayang gabi panoorin ang isa na namang bakbakang episode ng WANTED sa TV5 pagkatapos ng Aksyon Journalismo.

Para sa inyong mga sumbong maaari kayong magsadya sa aming public service action center na matatagpuan sa 163-E Mother Ignacia Avenue, Brgy. South Triangle, Quezon City o kaya ay mag-text sa 0917-7-WANTED o 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.