Pangongolekta ng tong sa pilahan ng jeep

0926754xxxx – Idol Raffy, ire-report ko lang po sa inyo itong mobile patrol car sa Parañaque na may plate number na SJH 154 at body number na 513, araw–araw, bandang alas-nuebe ng umaga, umo-orbit at nangongolekta ng tong sa pila ng mga jeep na biyaheng Baclaran. Isang PO3 ang driver at katabi ang isang SPO2 sa unahan. Mayroon pang dalawang pulis na nakaupo sa likod ng mobile car. Sana po ay maturuan ninyo ng leksyon ang mga ito. Salamat po.

 

0916873xxxx – Sir Raffy, pakikalampag naman po ang mga kinauukulan tungkol sa mga traffic sign sa may Chinese General Hospital. Nagiging sanhi po kasi iyon ng talamak na kotongan. Sana po ay matugunan ninyo. Salamat.

 

09292930xxxx – Sir, isang magandang araw po sa inyo, ikokonsulta ko lamang po sa inyo kung tama po ba na hindi payagang makapag-enroll ang anak ko dito sa Pasig sa kadahilanang hindi kami botante rito? Samantalang dito po ako sa Pasig nagtatrabaho at may tindahan kami rito.

 

0930865xxxx – Sir, pakiimbestigahan naman po ang bayan ng Rosario, Cavite dahil sa maraming nagaganap na patayan. Wala pong makapagsumbong dahil sa takot. Walang kunsensiya ang mga pumapatay at walang awa. Sana po ay matulungan ninyo kami rito sa bayan ng Rosario. Maraming salamat po.

 

0926872xxxx – Isa po akong concerned citizen at isusumbong ko lang po na dito sa Bulacan na may isang pabrika ng bag na kung magpasahod sa kanilang mga empleyado ay 165 pesos ang walong oras na pagtatrabaho. Ang pangalan po ng pabrika ay North Star Rubber and Plastic Manufacturing Corporation. Tapos ang suweldo po ay hindi kaagad binibigay, puro bale lang ang nangyayari. Marami po ang gustong magreklamo kaya lang ay wala silang alam na malalapitan. Sana po ay matulungan ninyo sila. Maraming salamat po.

 

0926241xxxx – Sir Raffy, isa po akong concerned citizen at nais ko lamang pong ipakalampag sa inyo ang mga kinauukulan dito sa Degereg Burgos, Carranglan, Nueva Ecija. Iyong tulay po kasi namin dito ay nasira na at ngayon ay sa ibaba na ng ilog dumadaan ang mga jeep at motor. Ngayong darating na tag-ulan ay wala nang madaraanan ang mga sasakyan dahil tataas na ang tubig sa ilog. Sana po ay matulungan ninyo kami sa pamamagitan ng inyong programa. Maraming salamat po.

 

0947393xxxx – Idol, gusto ko lamang pong itanong kung ano ang dapat kong gawin dahil halos dalawang buwan na po ang nakaraan nang matiketan ako sa may NLEX pero hanggang ngayon ay wala pa raw sa LTO main ang lisensiya ko. Ano po ba ang ma-buting gawin?

 

Ang inyong SHOOTING RANGE ay mapakikinggan sa WANTED SA RADYO (WSR) sa 92.3 FM, Radyo5, Lunes¬-Biyernes, 2:00-4:00 pm. Kasabay na mapapanood ang WSR sa Aksyon TV sa Channel 41. Sa SkyCable ito ay nasa Channel 61, Channel 1 sa Cignal at Channel 7 naman sa Destiny.

Para sa inyong mga sumbong, mag-text sa 0917-7-WANTED o sa 0908-87-TULFO.

Shooting Range
Raffy Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.