Pangmo-molestiya sa paslit, Nadiskubre dahil sa kiss mark

“KISS MARK” SA LEEG ng isang batang paslit ang na-ging ugat para mabisto ang isang ex-convict na carnival machine operator sa pangmo-molestiya sa biktima kamakalawa ng umaga sa Valenzuela City.

Ayon kay SPO3 Jesus Sagisi, chief ng Station Investigation Unit (SIU), mga  kasong Act of Lasciviousness at In Relation to 7610 (Child Abuse Law) ang isinampang mga kaso sa nadakip na suspek na si Wilfredo Bentir, 42, tubong-Barangay Bukana, Nasugbo, Batangays at stay-in- worker sa peryahan sa Sotanghon St., Barangay Malabon, Maysan ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng 7-anyos na biktima kay PO3 Lorena Hernandez, officer-in-charge ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) ng Valenzuela Police Station, bandang alas-11:30 ng gabi nang mangyari ang pangmomolestiya ng suspek sa biktima sa nasabing peryahan.

Kuwento ng biktima, inalok siya ni Bentir na sumakay nang libre sa ferry’s wheel at ang kapalit ay panghihipo sa maseselang bahagi ng katawan ng bata.

Sa labis na gigil ni Bentir nilagyan pa niya ng “kiss mark” sa leeg ang bata.

“’Pag nagsumbong daw po ako sa mama ko hindi na niya ako ililibre sa ride,” anang biktima.

Kinabukasan, isang nag-ngangalang Gina ang nagsumbong sa ina ng biktima na narinig niya ang boses ng bata na sumisigaw.

Dahil dito, tinawag ng nanay ang bata hanggang sa makita ang mga kiss mark sa leeg at kaagad na ipinaaresto sa awtoridad ang suspek.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.