Panggagahasa ng 51-anyos na Kelot sa 4-anyos, Huli sa Akto

ISANG 51-ANYOS na lalaki ang nahaharap sa kasong panggagahasa sa apat na taong gulang na batang babae sa Zamboanga City.

Kasalukuyang naghihimas na rehas na bakal sa Zamboanga City Police Station 3 ang suspek na nakilalang si Joel Gonzales ng Brgy. Manicahan sa lungsod.

Lumalabas sa report ng mga awtoridad, inaresto nila si Gonzales sa kanyang bahay matapos siyang ireklamo ng mga magulang ng batang biktima na siya umanong nanghalay sa menor de edad.

Kung paano nangyari ang insidente ay hindi na rin idinetalye lahat ng mga kinauukulan dahil masyadong maselan umano ang mga impormasyon ng pangyayari dahil na rin sa pakiusap ng mga magulang ng bata. Samantala, pumirma na ng 15 days waiver ang nadakip na salarin, habang ang mga magulang ng biktima ay inihahanda na rin ang mga ebidensiya na kakailanganin para sa pagpapatuloy ng pagsampa ng kaso laban sa suspek.

Ayon pa rin sa pulisya, desidido ang mga magulang ng apat na taong gulang na biktima na kasuhan ang naturang suspek para mabigyan ng hustisya ang nangyari sa kanilang anak.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.