Panggagahasa hindi natuloy Dalagita, Iniligtas ng Pusa

MALAKI ANG pasasalamat ng isang dalagita sa isang pusa matapos siyang mailigtas nito mula sa tangkang panggagahasa sa lalawigan ng Cebu.

Ang 17-anyos na biktima ay residente ng Brgy. Yati, Liloan, hiwalay sa mga magulang at tanging ang dalawang kapatid na lamang nito ang kasamang naninirahan sa kanilang tahanan.

Samantala, ang suspek ay 17-anyos din na barkada ng nakababatang kapatid na lalaki ng dalagita.

Napag-alaman na dahil sa pangungulit ng alagang pusa sa kapatid ng biktima hindi natuloy ang panggagahasa sana ng suspek sa biktima na mahimbing na natutulog galing sa isang outing.

Nagising na lamang umano ang biktima, kung saan namataan nito ang suspek na hubo’t hubad at huhubaran na sana siya kaya’t agad namang sinita ng kapatid.

Sa laking gulat ng suspek ay mabilis itong kumaripas ng takbo sabay banta sa kapatid ng dalagita na huwag isusuplong ang nangyaring insidente.

Dali-dali namang nagsumbong sa mga kinauukulan ang kapatid ng biktima kasama ang kanilang lola.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.