Pangasinan, inatake ng aswang

SINAKMAL NG takot ang isang barangay sa bayan ng Pozzorubio, Pangasinan bunsod ng umano’y gu-magalang aswang tuwing sasapit ang gabi.

Sa panayam ng Pinoy Parazzi sa barangay officials at Pozzorubio PNP, araw-araw ay dumaragsa ang humihingi ng proteksyon sa kanila hinggil sa kakaibang hayop na sumusulpot sa gabi at bigla na lamang naglalaho.

Paliwanag pa ng mga opisyal na ipinatago ang pangalan na bagaman nais nilang tanggihan ang hinging tulong ay hindi naman nila makontra ang mga tao sa paniniwala ng mga ito.

Gayunman, aminado ang mga awtoridad sa lugar na labis ang paghahanda ng mga residente sa Barangay Villegas at bahagi nito ang pagbitbit ng mga sibat, itak at asin kapag sasapit ang dilim.

Ilan sa mga kalalakihan kabilang si Mang Ben ay sumasamang maghanap ng hinihinalang aswang na itinuturong dahilan ng pagkawala ng kanilang mga alagang hayop.

Subalit, inamin ni Mang Ben at iba pang residente, hirap silang mahuli ang aswang dahil nag-iiba raw ito ng anyo.

Maging ang mga pulis ay sumali na rin sa mga residente para umasiste sa paghahanap sa aswang.

Giit ng mga residente, hindi sila titigil hangga’t hindi nahuhuli ang aswang.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Pangasinan, inatake ng aswang

Leave a Reply

Your email address will not be published.