Pangangampanya bago ang campaign period, ‘di labag sa batas – Comelec

 

AMINADO ANG Commission on Elections (Comelec) na hindi nila mapapanagot ang mga pulitikong

nangangampanya bago ang itinakdang campaign period.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, kung pagbabasehan ang umiiral na batas, wala namang maaakusahan na nagsasagawa ng “premature campaigning”.

“Under Republic Act 9369, the filing of certificate of candidacy (COC) ngayon from October 1 to October 5 is only for the purpose of the printing of the ballots dahil automated tayo. Pero sinasabi sa batas na ‘pag nag-file ka ng certificate of candidacy mo, hindi ka pa rin kandidato.”

“So kung hindi ka pa kandidato when you file your COC, wala pa ring tinatawag na premature campaigning dahil para ka magkaroon ng premature campaigning you have to become a candidate… ‘Di bawal mangampanya ang isang kandidato.”

Magsisimula aniya ang pagiging kandidato “pagka nagsimula na ‘yung campaign period”.

Hangga’t hindi naaa-myendahan ang batas ay wala nang lalabas na premature campaigning, dagdag pa ni Brillantes.

Magsisimula na rin ang campaign period 90 araw bago ang eleksiyon para sa mga tumatakbong senador at 45 araw para sa mga kumakandidatong kongresista at lokal na opisyal.

Maituturing namang nagbitiw na ang mga may puwesto sa gobyerno sa oras na maghain sila ng COC.

Samantala, ang mga artista at miyembro ng media ay maaari pang magpatuloy sa trabaho hanggang magsimula ang campaign period.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.