Pangangalap ng Donasyon, Ginagamit ng mga Kawatan

BINALAAN NI National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Exec. Dir. Eduardo Del Rosario ang publiko na nagpapadala ng tulong at donasyon sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda.

Sinabi ni Del Rosario na ilang personalidad ang natukoy nilang gumagamit sa naturang kalamidad bilang dahilan para makapangolekta ng donasyon para sa kanilang personal na layunin.

Kinilala ng opisyal ang mga salarin na sina “Jose Aquino” at “Bobby Bukiran” na sinasabing ginagamit pa ang mga programa ng pamahalaan para sa kanilang sariling interes.

Samantala nakikipagtulungan na ang NDRRMC sa iba pang ahensya ng gobyerno para matunton at mapanagot ang nabanggit na mga salarin, pati na ang mga posibleng kasabwat ng mga ito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.