Panganay nina Bing Loyzaga at Janno Gibbs, buntis?!

STAR-STUDDDED ANG inauguration nina Pres. Noynoy Aquino at Vice-Pres. Jejomar Binay nu’ng kamakalawa ng umaga. Pero ang isa sa inaabangan doon ay kung darating ba si James Yap.

Mabuti naman at hindi siya pumunta dahil tiyak na sila ang pag-uusapan doon at tatalbugan ang moment ni Pres. Noynoy.

Mailap si Kris sa mga interview pagdating sa isyu nila ni James dahil araw naman daw ‘yun ng kapatid niya kaya ayaw na niyang magsalita.

Sinubukan nga ng Startalk reporter namin, pero tumanggi talaga ito at halata ngang malungkot siya.

Hiningan na lang ng reaksiyon ang mga malalapit niyang kaibigan, pero safe naman ang mga sagot nila dahil mabuting respetuhin na lang daw ang desisyon ng dalawa.

Sabi nga ng kapatid ni Kris na si Viel, hoping pa rin sila na magkakaayos pero sa kanila na raw ang desisyon at sinusuportahan na lang daw nila kung ano ang desisyon ng kapatid nila.

Pero sa mga naririnig ko, mukhang malabo na raw talaga dahil sinabi na nga raw ni Kris na suko na siya dahil bastusan na raw talaga.

Ang dinig ko kasi, napuno na rin si James kaya talagang iniirita na niya si Kris para tuluyan na silang maghiwalay.

Hay, naku! Patuloy pa ring sinusubaybayan iyang drama nina James at Kris. Matagal-tagal pa itong pag-uusapan lalo na kung magsasalita si James.

NAMATAAN PALA NG Startalk si Bing Loyzaga sa inauguration nina Pres. Noynoy na nahuli nang dating kaya na-interview ito habang naghihintay ng sasakyan na maghahatid sa kanya sa Quirino Grandstand mula Manila Hotel.

Kinumusta ang panganay niyang anak na si Alyssa, pero umiwas na ito. Nakakaduda tuloy kung totoo ba ‘yung kumakalat na isyung buntis daw ito.

Hindi nagbigay ng sagot si Bing tungkol sa isyung iyan. Nairita na nga ito sa reporter namin dahil hindi raw magandang ina-ambush interview siya.

Kaya lang, bakit iniiwasan niya itong pag-usapan? Ano ba talaga ang totoo?

Nagsimula lang kasi ang tsismis na ‘to nang mag-post daw si Janno Gibbs sa Facebook account niya na hindi pa siya bagay maging lolo.

Pero hindi naman siya nang gusto na itong interbyuhin ng mga reporter, umiiwas naman.

Ano kaya ang totoo? Lalabas din iyan kung totoo, abangan na lang natin.

NGAYONG LINGGO NA matatapos ang Take Me Out ni Jay-R at ang ipapalit ay ang nagbabalik na Hole in the Wall nina Ogie Alcasid at Michael V.

Balik din ang karakter nilang Yaya and Angelina, pero ang dinig ko hindi lang ang ganu’ng karakter ang gagampanan nila sa game show na ‘yun kundi marami raw.

Paiba-ibang karakter daw ang drama nila bawat episode para mas kuwela ito.

As much as possible, ayaw na sana nilang ibalik ang Yaya and Angelina pero marami raw ang nagri-request kaya ibinalik nila ito. Hindi naman daw ito palagi.

Abangan n’yo na lang ito next week bago mag-Langit sa Piling Ko.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

11 thoughts on “Panganay nina Bing Loyzaga at Janno Gibbs, buntis?!

  1. hay naku lolit, kapag naki2ta ko mukha mo bwisit na bwisit tlga ako. kelan ka kaya mamamatay animal ka!

  2. MAGKAKA PAHTED BA SI KRISTA ,MARIEL TONI AT POKWANG KASE IISA HILATSA NG MGA PAGMUMUKHA NILA PAPANGET NILA SA TOTOO LANG.

  3. Pasingit po… Ref. Vice Ganda :
    On 1 Jul 2010 sa Showtime, masyadong unfair ginawa ni Vice Ganda sa Davao Crew, imagine he gave undserving 06, other judges 10’s, one is 9, all with excellent remarks. Obvious na magaling Davao crew. Nashock talaga lahat. taga Davao pa naman na ang layo trip. Yong taga Iloilo Crew pinanalo niya, puro kasi bakla at Vegas dances kuno, mababa scoring binigay ng other judges, kay vice perfect 10 score. Binaboy talaga ni vice taga Davao on that day. Everybody upset to the max. Wake up ABS CBN management, isa pang papunta sa ugali ni Willie Revillame, na masyadong mayabang, ipokreta, walang modo. Galit ata siya sa taga Davao, namemersonal. The lowest score so far sa Showtime, 05…and you know..taga Davao Oriental crew, 15 June 2010 ata yon. Lumalabas tunay na ugali ni Bisyo.

  4. SEPSEPAN AT PLASTIKADA ETONG SI LOLIT.BAKA GUSTONG MAGING SECRETARY NG KAPLASTIKAN DEPARTMENT

  5. Kahit buntis o hindi ang anak ni Bing at Janno is really none of our business so I coudn’t blame Bing for getting irritated.

    Dating artista si Alyssa pero she opted to stay out of the limelight….so dapat irespeto ang privacy niya.

    But in my opinion, I highly doubt na buntis ang anak ni Bing at Janno.

  6. Alyssa is a talented young girl, sayang hindi lang nagclick yun pag join nya sa showbiz dati. Mantakin nyo lolo’t lola na sina Janno at Bing if ever that’s true — parang history repeats itself, lol.

    • Maganda at talented talaga si Alyssa. She’s even more beautiful than most the young female stars right now but I think she opted to finish her studies and stay out of showbusiness.

      Kudos to Her.

  7. hmmm…. nagbago tono ng dila mo lolita ha. kung matira tira mo na lang si kris noon pero ngayon kwidaw ka… mukhang may naamoy akong hindi maganda…. sisipsip ka na ba ngayon kay Kris???

Leave a Reply

Your email address will not be published.