Pangalanan ang protektor ni Delfin Lee
Binay, hinamon ng palasyo

HINAMON NG Palasyo si Vice President Jejomar Binay na pangalanan ang tinutukoy nitong protektor ng negosyanteng si Delfin Lee.

Una nang sinabi ng pangalawang pangulo na may isang maimpluwensyang tao na nagtangkang harangin ang pagdakip sa presidente ng Globe Asiatique (GA) na nahaharap sa kasong syndicated estafa.

Inihayag ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda na suportado nila ang panawagan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na pangalanan ni Binay ang umano’y maimpluwensyang indibidwal.

“I suppose if there’s somebody who’s really backing Delfin Lee and we know that… I certainly know that this government is committed to prosecuting those involved in the housing scam… Let us know who this person is baka p’wede pang isama sa kaso.”

Sa kabilang dako, wala namang tutol ang Malacañang sa ikinasang sariling pagsisiyasat ng Kamara sa mahigit P6 bilyong housing loan scam.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.