Pangalan ni Gen. Pagdilao, ipinangangalandakan ni Maj. Salvatiera

SOBRA UMANO ANG hangin sa ulo ng hepe ng Northern Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na si Chief Inspector Manolo Salvatiera.

Ayon sa ilang tauhan ng nasabing hepe na nasusuya sa hindi umanong magandang pamamalakad nito, kahit daw ano pang batikos ang gawin sa kanya ng media dahil sa hindi kagandahang performance ay hindi siya natitigatig.

Ang sabi ng source , malakas daw ang loob ni Major dahil “super lakas” siya kay CIDG Director Atty. Samuel Pagdilao, Jr.

Idinagdag pa ng source na ginagamit ng nasabing opisyal ang pangalan ni Gen. Pagdilao na kilalang isang mabuti at marangal na opisyal.

Bukod sa naging hepe ng Caloocan City, naupo rin bilang director ng Northern Police District (NPD) si Gen. Pagdilao noong 2010 at nara-ting niya ang kanyang puwesto dahil sa dedikasyon sa trabaho.

(ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.