Pangalan Ni Bistek Dawit Sa Iligal Sa QC

MISTULANG HINDI NAPANGHAWAKAN ni Quezon City Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista ang iniwang ‘gambling-free’ na lungsod ni dating Mayor Sonny Belmonte na ngayon ay House Speaker ng Kamara.

Noong nanunungkulan pa si Speaker Belmonte bilang ama ng nasabing lungsod, walang iligal na sugal ang namamayagpag dito. Pero sa paglisan ni SB, lumaganap na ang mga iligal na sugal na kinabibilangan ng Video Karera, Jueteng at Lotteng sa lugar.

Ito ang napag-alaman ng Pinoy Parazzi mula sa isang konsehal sa nasabing lungsod. Nauna nang naiulat na laganap ang video karera sa Novaliches na ang mga may-ari ay duma-daan sa isang alyas Dakni.

Inirereklamo ng mga magulang at residente sa nabaggit na lugar ang mga nasabing video karera dahil mga bata umano ang nabibiktima ng mga ito. Bukod pa sa nagiging tambayan ng mga nagdo-droga ang mga kinalalagyan ng mga video karera machines, kung kaya’t delikado sa mga batang mag-aaral.

Samantala, umeerya  mga naman sa pinakamalaking bahagi ng Lungsod Quezon ang Jueteng at Lotteng ng nagngangalang Don Ramon, at sumasakop sa mga barangay ng Kamuning, Masambong, Fairview, Commonwealth, lagro, Tatalon, Novaliches, New Manila at Cubao. Napag-alam pang kamag-anak umano si Don Ramon ng isang retiradong heneral na pinagkakatiwalaan ni Bistek.

Ayon pa sa impormasyon, may malaking papel umano sina Papa M, Little Bro at Lady T na silang kumunekta ng mga iligalista sa opisina ni Bistek para sa protection money, kung kaya’t hindi magambala ng lokal na kapulisan ang mga sugal.

Sa katunayan pa nga raw, liban kay Don Ramon, sina Papa M at Little Bro ang may bitbit ng mga iligalistang sina Jun Alvaron, Lito Motor, Elmer Simbulan, Pinong at Ben Bicol. Tinatayang umaabot umano sa mahigit P2 milyon ang arawang kubransa ng mga ito.

Ayon pa sa konsehal, tulad ng mga dati niyang kasamahan sa Team SB, nangangamba siya na marumihan at pulutin sa kahihiyan ang dating malinis na pangalan ng Quezon City, dahil sa pakikialam ng mga taong malalapit kay Mayor Bistek. Partikular na tinukoy ng konsehal ang tatlong perso-nalidad na malapit na malapit sa mayor: Sina alyas Papa M, Little Bro at Lady T.

Itong mga nasabing tatlong personalidad na malapit kay Bistek ang mismong nagdadawit sa pangalan ng mayor sa mga iligal sa QC. (PARAZZI INVESTIGATIVE TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Pangalan Ni Bistek Dawit Sa Iligal Sa QC

Leave a Reply

Your email address will not be published.