Pangako, ‘Di Tinupad: Heavy Equipments, Sinunog ng NPA

DAHIL SA kabiguang makatupad sa pangako ng Northern Builder Company, sinunog ng mga armadong grupo na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang heavy equipments nito sa Sitio Maligaya, Brgy. Putlan, Carangalan, Nueva Ecija.

Sa ulat na tinanggap ni Nueva Ecija Provincial Director P/Sr. Supt. Walter Castillejos, ganap na alas-8:30 ng gabi nang buhusan ng gasolina ang dalawang unit ng transit mixers na ginagamit ng nabanggit na kumpanya.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, humingi umano ng revolutionary tax ang armadong grupo kabilang ang dalawang amazona, na nakipag-usap kay Engr. Riza Organista na siyang tagapangasiwa ng Northern Builder Co.

Nabatid na nangako ang katiwala ng kum-panya na magbibigay ito ng tax sa nabanggit na grupo, subalit hindi sila tumupad sa pangako.

Dahil sa kawalan ng palabra de honor, nagpasiya ang kilusan na sunugin ang mga mahahalagang gamit ng kontratista.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa nabanggit na bayan kasama ang grupo ng mga militar.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.