Pang-Araw-Araw na Pagkaing Pinoy, Ibinida sa Rated K

Ipinakita ni Ms. Korina Sanchez ang nakuhang Barista Choi Coffee galing sa Barista Choi Kapeng Vendo.

Ipinakita ni Ms. Korina Sanchez ang nakuhang Barista Choi Coffee galing sa Barista Choi Kapeng Vendo.

SA ISANG nakaraang episode ng Rated K, ang multi-awarded na magazine show ng beteranang host at brodkaster na si Korina Sanchez, ifi-neature nila ang pang-araw-araw na pagkain sa hapagkainang Pinoy – ang sardinas, noodles at kape. Lahat ng tahanang Pinoy ay meron ng mga ito. Ang tatlong ito na ang masasabing pinaka-mabili sa mga grocery at tindahan dahil sila ay mura na, masarap pa.

Ang noodles na mabibili sa iba’t-ibang flavor ay ang sinasabing modernong “rice” na bagay sa kahit anong ulam lalo na sa sardinas na mura at malasa. Ang kape naman ang nagpapasarap ng gising nating mga Pinoy. Ito’y mabango at masarap higupin pang-agahan bago pumasok sa eskwela o opisina.

Ang kapeng ifi-neature sa Rated K ay ang murang-mura at sikat na kape ngayon na Barista Choi- Kapeng Vendo na nagkakahalagang P5 lamang bawat cup. Dumayo mismo si Korina Sanchez at ang kanyang crew sa factory into kung saan ipinakita kung paano Ito ginagawa, hinahalo at iniimpake. Gumagamit sila ng di matatawarang kalidad na gamit at mga empleyado na sumusunod sa pinaka-istriktong mga pamamaraan ng paggawa. Matapos haluin ang kapeng barako sa creamer at asukal, ito ay dumadaan pa sa isang “taste test” bago sila maimpake. Si Korina mismo ay sumubok ng lasa ng mga bagong halo bago ito inaprubahan.

Ipinakita rin dito ang kwento ni Angelo Quezon City Barista Choi Distributor na nag-umpisa lamang sa maliit na kapital sa Barista Choi at nakita niya itong lumago. Mula sa isang unit lamang, dumami na ito. At ngayon, si Angelo ay nakabili na nang dalawang condo unit, isang restaurant at sariling kotse.

Ang Barista Choi Vending Solutions, Inc. ay isang kumpanya sa Pilipinas na nag-umpisa noong 2011 lamang at sa tatlong taon ay marami na itong mga pangarap na natupad.  Para sa karagdagang impormasyon sa Barista Choi, mag-log-on sa https://www.facebook.com/BaristaChoiPhilippines

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.