Pandaraya sa Eleksyon ni Lanto, Itinanggi ng Team Pnoy

PINABULAANAN NG Team PNoy na bahagi ng ‘grand plan’ sa pandaraya ng May elections ang pagtatalaga kay Macabangkit Lanto sa Commission on Elections (Comelec).

Maaalala na sinabi ni United Nationalist Alliace secretary-general at campaign manager Toby Tiangco na kaduda-dua ang agenda sa pagtatalaga kay Lanto na maaaring bahagi sa planong manipulahin ang resulta ng eleksyon para makuha ng Team PNoy ang 12-0.

Ayon kay Team PNoy spokesman Marikina Rep. Miro Quimbo, hindi papayagan o kukunsintihin ni Pa-ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang anumang uri ng pandaraya sa eleksyon.

Sinabi ni Quimbo na walang basehan at malisyoso ang naturang paratang na nagpapakita ng kawalang ideya sa napagdaanan ng Pangulo at ng kanyang pamilya.

Masyado raw malikot ang imahinasyon ni Tiangco at kung anu-ano na lamang ang naiisip.

Samantala, nag-ugat ang naturang kontrobersya nang italaga ng Pangulong Aquino si Lanto na natanggal sa pagka-kongresista noong 1994 dahil sa pandaraya ng halalan.

Si Lanto ay iniendorso mismo ni Sen. Franklin Drilon, campaign manager ng Team Pnoy.

Nilinaw naman ng Palasyo na hindi nila binabalewala ang mga pagkuwestiyon sa kredibilidad ni Lanto.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abi-

gail na hihintayin ang takdang panahon para resolbahin ang lahat ng mga pagdududa at concerns laban kay Lanto.

Sinabi ni Valte na hindi rin nila napakinggan ang paliwanag ni Lanto at huwag munang magkomento kung kanila na itong tinatanggap.

Samantala, makakaasa raw ang taong-bayan na tutuparin ng Pangulong Aquino ang kanyang social contract na ibalik ang kredibilidad ng electoral process at hindi nito sisi-rain ang naibabalik nang tiwala ng mamamayan sa Komisyon.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.