Panawagan sa MNLF: Red Cross Volunteers, ‘Wag Idamay

UMAPELA SI Valenzuela Rep. Sherwin Gatchalian sa mga miyembro ng MNLF Misuari faction na huwag idamay ang mga kasapi ng Philippine Red Cross sa gitna ng labanan sa Zamboanga City.

Kasabay nito ay kinondena ni Gatchalian, miyembro ng board of governors ng PRC, ang karahasang dulot ng MNLF Misuari faction kung saan kasama sa mga na-target nitong Biyernes ang limang tauhan ng Red Cross.

Giit pa ng kongresista na ito ay malinaw na pagbalewala sa international rules of war at kawalan ng respeto sa humanitarian aid workers gayundin sa simbolo ng Red Cross.

Maituturing aniyang dishonorable conduct ang M203 grenade attack ng MNLF sa PRC volunteers.

Ipinaalala ni Gatchalian sa grupo ni Misuari na ang PRC ay neutral at nasa gitna lamang ng krisis para tumulong sa nangangailangan.

Sa halip aniya na puntiryahin ang Red Cross volunteers, dapat umanong payagan ng mga rebelde na malayang maisakatuparan ang kanilang humanitarian mission sa gitna ng pagdami pa ng mga nasusugatan at evacuees habang sinisikap ng gobyerno na resolbahin ang krisis sa Zamboanga City.

(MARY H. SAPICO)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.