Panawagan Para Kay Bise Presidente Binay

096656177xxxx – Sir Raffy! Sana po ay matulungan ninyo kami rito sa Saudi Arabia. Kailangan na po namin talaga ng rescue mula sa ating pamahalaan d’yan sa Pilipinas. Sana po ay maipaabot sa pamamagitan ng inyong programa ang aming pakiusap kay Vice President Binay dahil ang Philippine Embassy dito hanggang ngayon ay hindi dumarating puro pangako lang po ang Labor Attache na si Adam Mussa Tayog. Nagmamakaawa po kaming lahat dito at nagsusumamo na sana ay matulungan ninyo kaming makauwi na ng bansa. Lubos kaming umaasa, Sir. Mara-ming, maraming salamat po!

 

0923-746xxxx – Hi, Sir Raffy! I’m a concerned citizen from Sta. Ana, Taguig City. Meron lang po sana kaming ilalapit sa inyo about sa nangyari kahapon ng 6:50 ng gabi sa NAIA Terminal 1. Sumakay po kasi kami sa taxi na may plate no. UVU 817 from NAIA to Sta. Ana, Taguig City. Siningil po kami ng driver ng P2,250.00. Sabi niya po airport taxi daw ang rate nila. Ganu’n po ba talaga kalaki ang si-ngil ‘pag sumakay ka ng taxi galing airport? Masyado po yatang kalabisan na iyon, kaya sana mahuli at matigil na ang pang-aabuso nila sa mga balik-bayan. Thank you so much for your help!

 

0947-876xxxx – Good day po, Idol! Ireklamo ko lang po ang San Nicolas Elementary School sa Dasmariñas, Cavite. Marami pong sinisingil sa mga estudyante tulad ng MTAP – P200, girls scout P60, test paper P15, walis P10, fieldtrip P800, electric fan P30 at 3 times a week may project. Lalo na po sa mga star section. Sana po ay matulungan ninyo kaming mailapit ang aming hinaing na ito sa DepEd. Maraming salamat po, Sir!

 

0948-200xxxx – Boss Raffy, irereklamo ko lang po iyong ilog sa Pateros na nasasakupan ng Taguig at Makati.  Napakarumi po kasi, puro basura at may patay na hayop pa. Sobrang baho po talaga at nakakasulasok ang amoy. Nahihirapan na po kaming huminga, mas lalo ang mga bata. Natatakot po ako na baka isang araw, dapuan na lang sila ng sakit. Sana po ay makalampag ninyo ang aming lokal na pamahalaan at bigyan nila ng pansin ang halaga ng kali-nisan sa kapaligiran para iwas sakit. Thank you po!

 

0923-916xxxx – Hello po, Boss Raffy! Isang magandang araw po sa inyo! Nais ko lang sanang humingi ng tulong sa inyong tanggapan dahil dito po sa aming lugar sa Maharlika St., Barangay Alas Asin, Mariveles, Bataan ay sira-sira ang kalsada. Nahihirapan na po ang mga magsasaka rito na iluwas ang kanilang produkto lalo na sa panahon ngayon ng tag-ulan. Lubhang napakaputik po ang aming dinaraanan ngunit wala namang ginagawa ang aming mayor dito sa Bataan. Umaasa po ako sa inyong tulong, Idol. Maraming salamat po sa inyong pagbibigay pansin sa aming problema.

 

0927-317xxxx – Good day po, Mr. Tulfo! Isa akong taxi driver at nais kong ireklamo ang isang traffic enforcer d’yan sa Taguig sa bandang Water Fun na malapit sa C-5. Nagsasakay ako ng pasahero nang biglang may lumapit na isang traffic enforcer sa akin at minura ako nang minura. Hindi ko alam kung bakit. Sayang nga lang at hindi ko nakuha ang pangalan niya dahil madilim doon sa lugar. Sana ay maturuan ng leksyon ang mga ganu’ng klase ng traffic enforcer. Salamat po!

 

Kung kayo po ay may nais idulog, isumbong o ireklamo, mag-text sa aming official text hotlines sa 0917-7WANTED o 0908-87TULFO.

 

Shooting Range
Raffy Tulfo

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.