Pananamantala sa mga Biktima ng Yolanda, Sisiyasatin

MALIBAN SA paghihigpit sa mga lugar na hinagupit ng bagyong Yolanda laban sa mga nasa likod ng human trafficking, pinasisiyasat na rin ng Department of Justice (DoJ) sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ang umano’y pananamantala sa mga babaeng survivors.

Aminado si Justice Secretary Leila de Lima na siyang chairperson ng IACAT, nakakalungkot ang naturang balita lalo na’t masakit para sa mga kababaihan ang naranasang delubyo.

Hinggil dito, pinakikilos na rin ni Senior Assistant City Prosecutor Raymond Jonathan B. Lledo, ang Task Force sa mga exit at entry point ng mga evacuees, lalo na ang mga evacuation at processing center para sa mga biktima ng super typhoon.

Mahigpit ding makikipag-ugnayan ang grupo sa Philippine Air Force (PAF), Philippine Ports Authority at Bureau of Immigration (BI), at maging sa mga pamahalaang lokal, mga civil society organization at international humanitarian organization para matiyak na walang makalulusot na mga human trafficker.

Pangunahing tungkulin kasi ng IACAT na tiyakin ang seguridad at dignidad ng mga kalalakihan, kababaihan at mga kabataan sa mga lugar na dinaanan ng kalamidad.

Ang IACAT ay kinabibila-ngan ng mga kinatawan mula sa DSWD, DOLE, POEA, PNP, NBI, Council for the Welfare of Children at Commission on Filipino Overseas.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.