Pananalasa ni Pablo: Higit 300, Patay; 380, Nawawala

HINDI BABABA SA 325 ang bilang ng mga nasawi sa anim na rehiyong matin-ding sinalanta ng Bagyong Pablo.

Sa pinakahuling tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ng ala-1 ng hapon, umabot na sa 298 ang namatay sa bagyo sa Davao Oriental at Compostela Valley sa Region XI.

Siyam naman ang nasawi sa Caraga partikular sa Surigao del Norte, Surigao del Sur at Agusan Del Sur, habang umakayat na sa 10 ang patay sa Misamis Occidental, Misamis Oriental at Bukidnon sa Region X.

May pito pang naitala sa Siquijor, Cebu at Negros Or-iental sa Region VII, samantalang dalawa sa Region VIII at isa sa Region IX.

Lumitaw na karamihan sa mga biktima ay nalunod at nabagsakan ng puno.

Habang ginagawa ang ulat na ito 68 pa lamang sa mga narekober na bangkay nakilala na.

Bukod naman sa mga nasawi, nababahala pa ang ahensya sa may 380 na nawawala kabilang ang dalawang nakilala na sina Richard Larot ng Siquijor at Aladin Mahinay ng Agusan del Sur.

Umaabot pa anila sa 437 ang nasugatan.

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na umaabot na sa 62,607 na pamilya o 294,110 indibidwal ang mga naapektuhan ni Pablo sa Regions IV-B, VI, VII, VIII, X, XI at Caraga. Karamihan sa mga ito ang nananatili pa rin sa mga evacuation centers.

Aabot naman sa 4,704 kabahayan ang nawasak ni Pablo at 21 tulay at kalsada ang nasira. Pumalo naman sa P180,540,500 ang halaga ng pinsalang iniwan ng bagyo sa agrikultura at imprastraktura.

Pero ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), umaabot sa P171,5000,000 ang ha-laga ng pinsala sa Caraga pa lamang. May P75 milyon  pa anila sa Region 10 at P96,500,000 sa Region 11.

Iniulat din ng NDRRMC na may P3,220,000 halaga ang nawasak sa mga pribadong ari-arian ng mga sinalantang residente.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

One thought on “Pananalasa ni Pablo: Higit 300, Patay; 380, Nawawala

  1. Pingback: Pananalasa ni Pablo: Higit 300, Patay; 380, Nawawala - ShowbizNews.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published.