Pananalakay sa bus,test mission sa MILF recruits

POSIBLENG MGA BAGONG recruit na miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nasa likod ng pana-nalakay sa isang pampasaherong bus sa Tungawan, Zamboanga Sibugay noong Martes.

Isa ito sa bineberipika ng Philippine National Police (PNP) kung saan hinihinalang test mission sa mga bagong miyembro ng MILF ang pamamaril sa isang yunit ng Rural Bus Transit na ikinasawi ng isang army major, asawa nito at isang CAFGU member.

Ayon kay PNP-Directorate for Integra-ted Police Operations Western Min-danao Felicisimo Khu, patuloy nilang iniimbestigahan ang naturang anggulo.

Sinabi ni Khu na kadalasang kasama sa pagsubok sa mga bagong recruit ang ilang pagsalakay at pananabotahe subalit nagpapatuloy pa aniya ang kanilang beripikasyon sa detalye nito.

Nasawi si Major Istidi Arasid at asawa nito kasama ang bus marshal na si Lito dela Cruz nang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang salarin bago nila sinilaban ang bus saka tumakas.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.