Pananakot ng Tsina, ‘Ploy’ lang vs ‘Pinas

SA KABILA ng ginagawang positioning at “bullying” ng bansang Tsina sa Scarborough issue, naniniwala ang international law expert na si Sen. Miriam Defensor-Santiago na hindi magagawa ng Beijing na atakehin ang Pilipinas.

Ayon kay Santiago, aani ng pagkondena ng buong mundo ang Tsina sakaling gawin nila ang paglusob sa bansa.

“In the United Nations’ Charter alone, violence is already condemned. And then we have the International Criminal Court na nakalagay doon, isang mala-king krimen ang tinatawag na genocide o kaya war crimes o kaya aggression,” pahayag ng senadora.

Si Santiago ay bago lamang nahirang na judge sa International Criminal Court (ICC).

Nitong nakaraang Sabado, panibagong insidente na naman ng pananakot ng Tsina ang naganap sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Base sa report ni Dapartment of Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez, pinahagingan umano ng Chinese vessel ang dalawang Philippine coast guard ship sa bilis ng mahigit 20 knots (37 kilometers per hour), na nagresulta sa malakas na pag-alon na tumama sa mga barko ng Pilipinas.

Sa panig ng senadora, naniniwala ito na “ploys” lamang ng Tsina ang pag-deploy ng mga barko sa nasabing area.

“Ganoon talaga ang international relations. All role-playing,” ani Santiago.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.