Panadero, Tinubo ng Kasamahan, Todas

BASAG ANG bungo ng isang panadero matapos itong hatawin ng tubo sa ulo ng umano’y kanyang kasama-han sa panaderya habang ang mga una ay nag-iinuman kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sa lugar ng pinangyarihan ng krimen sanhi ng pagkabasag ng bungo ng biktimang si Emmanuel Panay, 31, binata, tubong-Cebu, stay-in baker ng Gumapac Bakery sa Phase 7-A, Package 9, Blk. 62, Bagong Silang Caloocan City.

Tugis naman ng pulisya ang suspek na si Jonathan Biclat, 36, may-asawa, tubong Iloilo City at kasamahan ng biktima na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8:30 ng gabi, nakitang nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa loob ng naturang bakery kung saan isinara ng mga ito.

Isang kapit-bahay na si Petronillo de Torres, ang kumatok sa bakery at tinatawag ang pangalan nina Panay at Biclat dahilan upang sapilitang buksan ang pinto.

Dito, nakitang nakabulagta sa sahig ang biktima at naliligo sa sariling dugo katabi ang tubo na sinasabing ginamit ng suspek sa pagpatay sa biktima.

Inaalam na ng pulisya ang motibo sa naturang krimen.       (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.