Pampaputi, Bawal na

IPINAGBABAWAL NA ng Food and Drug Administration (FDA) ang paggamit ng mga skin whitening product na gawa ng kumpanyang Kanebo Cosmetics Inc. mula sa bansang Japan.

Kasunod ito ng sunud-sunod na reklamo mula sa mga gumagamit ng nasabing mga produkto kung saan tinubuan umano sila ng “white blotches” sa kanilang balat.

Ayon sa FDA, ipinaaalis na nila sa mga pamilihan ang lahat ng mga Kanebo product na may Rhododenol, isang quasi-drug ingredient na kilala rin sa tawag na 4HPB.

Inanunsyo rin ng lokal na tanggapan ng Kanebo noong Biyernes sa pamamagitan ng kanilang Facebook page na ipinababawi na nila ang 17 skincare product na ibinebenta sa bansa.

Samantala, pinapayuhan din nito ang mga mamimili na itigil na agad ang paggamit ng mga produkto kahit hindi pa napapatunayan na ang Rhododenol nga ang dahilan ng nai-report na “white blotches”.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.