Pamintang singer, nag-spaghetti pataas-pababa sa isang club!

KINSA SIYA? NAKAKALOKA ang aming nasaksihan sa isang event, dahil sa hindi namin inaasahang mapanood: ang isang singer na matagal nang pinagdudahang badikla ay parang naghubad na ng kanyang kapa.

May harot kasi ang mga tugtog sa nasabing club na puwede kang gumiling kung isa ka talagang party people kaya siguro nagawang mag-spaghetti, pataas-pababa itong singer nang aming masaksihan.

Ang da height pa, nasa ledge siya gumiling. Nang ikinuwento namin ito sa isang kasamahan, sabi pa niya, “Naku, ha, bakla naman talaga ‘yan.”

Sana lang nadala lang siya sa saliw ng musika at hindi talaga nagladlad na ng kanyang tunay na pagkatao. Sabat pa ng isa pang kasamahan na nag-cover sa event, “That’s his moment, kaya pabayaan mo na!” ‘Yun na!!!!

(By Arniel Serato)

Previous articleGumon sa pagkaka-casino: sexy star, naghihirap na kaya pinalayas sa tinitirhan!
Next articleFormer beauty queen/ TV host, pulos talbog ang tsekeng ibinayad sa pinagkakautangan!

No posts to display