PAMINTANG INDIE DIRECTOR, SUPER ELYA KAY HUNKY ACTOR!

BLIND ITEM: KALURKEY naman ang isang discreet na indie film director dahil akala namin ay disente ito pagdating sa kalalakihan, pero nakakabaliw ang tsika sa amin ng isang source, na si Direk pala ay may kakaibang trip pagdating sa lalaking type niya – na artista niya sa ginagawa nitong movie sa ngayon.

Out-of-town kasi ang location ng indie film na ginagawa ni Direk. Sa casting pa lang, nahirapan na siya sa paghanap ng lead actor, mereseng may pangalan na o baguhan pa lang, basta swak sa character: matipunong barako, probinsiyano ang dating.

Hanggang sa finally ay nag-audition ang isang baguhang hunky actor na nagmo-model na rin sa TV commercials, ramp, at bikini shows. Si Hunky Newcomer ay brusko talaga, lalaking-lalaki, moreno, at nakakaarte naman, at nakalabas na rin sa ilang indie films.

Si Direk ay sa indie scene nakilala at napapansin naman ang kanyang mga obra, pero hindi nga siya ‘yung tipong gay na all-out, kundi discreet. Since out-of-town, nagagawa ni Direk ang kanyang gusto, pati na ang ‘hidden desire’ sa type niyang guy na tipong elyang-elya siya.

Panay raw ang tsansing nito sa Hunk Newcomer, grabe kung makayakap, at makapulupot. Mismong si Hunky Newcomer ang nagkukuwento sa aming source, at hindi nga raw siya makapaniwalang magagawa sa kanya ‘yun ng respetado pa man ding direktor sa indie scene, pero tila ‘matindi’ ang tama nito sa hombre, huh!

“Nandidiri na nga siya sa ginagawa sa kanya ni Direk,” kuwento ng aming informant. “Kaso, wala naman siyang magawa dahil bukod sa nasa probinsiya sila eh, lead role ang ibinigay sa kanya, as in magandang role sa pelikula, pero hinahayaan na lang niya.

“Pero hanggang doon lang, yakap-yakap, gano’n, wala nang sumobra pa roon. Ibang usapan na kasi ‘yun, ‘no! ‘Di naman pa-booking ‘yung guy,” sey ng source.

Kahit kami’y nagulat sa chikang ito. Kapag nagpa-presscon siguro ang movie in the months to come, maamin kaya ng Hunk Newcomer ang nasabing tsismax na may “pagnanasa” sa kanya si Direk?

May nilabasan ng isang gay indie film ang baguhang hunky actor, samantalang napapansin na rin ng award-giving bodies ang movies ni Direk.

NAGTAYO NA PALA ng sariling record label si Jay-R, as in magpu-produce na ito ng new albums by new artists na gusto niyang i-build up at tulungan, ‘yung mga nakikitaan niya ng potential to make it in the industry, pero walang recording company ang puwedeng sumugal, kaya siya na lang.

Nasimulan na ni Jay-R ang pagpo-produce nito ng sarili niyang album two years ago, isang Christmas album niya, at slowly ay “kinakarir” na rin nito ang paghahanda in producing new albums at handang sugalan ang mga baguhan.

Kasama na rito ang kanyang girlfiend na si Krista Kleiner, na ayon kay Jay-R ay may future rin dahil total performer kung i-describe niya ang dyowa. Una niyang nakita ang talent daw ni Krista nang mag-win ito sa Miss International na sinalihan nito at nagwaging Best in Talent.

Samantala, balik-primetime show si Jay-R at kasama ito sa Magic Palayok, ang newest telefantasya ng Siyete kasama sina Carla Abellana, Geoff Eigenmann, and childstar Angeli Nicole Sanoy, directed by Joel Lamangan.
NAIIPIT PALA SI Krista Kleiner between GMA-7 and ABS-CBN dahil sa paglipat ng Bb. Pilipinas pageant from Siyete to Dos.

Ilang taon kasing partner ng Bb. Pilipinas ni Stella Marquez-Araneta ang Kapuso network, bago ito lumipat sa Kapamilya early this year. Kung si Venus Raj ay lumipat na sa Kapamilya at nag-sign up na, si Krista ay nasa Siyete pa rin and she’s with GMA Artist Center.

Remember na si Venus ang reigning Bb. Pilipinas-Universe, yes, pero ang reigning Bb. Pilipinas-International naman ay si Krista, na nanatiling Kapuso until her contract expires.

Before joining Bb. Pilipinas kasi last year ay nakapirma na si Krista sa GMAAC. Ngayong nag-ober da bakod na ang BPCI and decided na ABS-CBN ang maging media partner nito since this year, makuha kaya nito ang support from Krista, o okey na sila kay Venus at sa reigning Bb. Pilipinas-World?

Malalaman natin ‘yan kung makikita natin ang face ni Krista sa Bb. Plipinas 2011 pageant night. ‘Pag si Venus lang, malamang, nagkaproblema ito with her GMA-7 contract.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

loading...

One thought on “PAMINTANG INDIE DIRECTOR, SUPER ELYA KAY HUNKY ACTOR!

  1. Pingback: PAMINTANG INDIE DIRECTOR, SUPER ELYA KAY HUNKY ACTOR! | Always Be Music

Leave a Reply

Your email address will not be published.