Pamimigay ng Pork Barrel, Ipinatitigil

PINATITIGIL NI Catholic Bishops Conference of the Philippines at Manila Auxilliary Bishops Broderick Pabillo kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aqunio III ang pagbibigay ng pork barrel funds sa mga senador hangga’t hindi natatapos ang pagsisiyasat sa P10-bilyong ghost project.

Sinabi ni Pabillo na hindi muna dapat isama sa budget proposal sa Kongreso ang priority development assistance fund (PDAF) ng mga Senador na nagkakahalaga ng P200-milyon bawat isa at P70-milyon naman para sa mga Kongresista.

Iginiit ng nasabing Obispo na ugat ng lantarang korapsiyon ang pork barrel funds kaya dapat itong ihinto ng Pangulong Aquino para maging seryoso at hindi biro lamang ang kanyang “daang matuwid”.

Ayon pa sa Obispo, kung seryoso ang gobyerno sa paglaban ng korapsiyon at maging tuwid ang “daang matuwid slogan” ng Pangulo ay tanggalin ang cause of corruption.

Samantala, sinabi rin ni Bishop Pabillo na matagal na nilang sinasabi na ang mga Congressman at mambabatas ay tagagawa ng batas at hindi tagapagpatupad ng project na trabaho ng local government units.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.